^

Dr. Love

Lagrimas

-

Dear Dr. Love,

Sa pagpasok ng taong 2010, bayaan mong hatdan kita ng mainit na pagbati at dalanging mabi­yaya at puno ng grasya para sa iyo ang taong ito.

Kung puwede lang ay itago mo na lang ako sa pangalang Lagrimas. Malungkot na pangalan na ang kahulugan ay luha. Nakalipas na naman ang Pasko at Bagong Taon. Sa pagsapit ng panahong ito’y nalulumbay ako at batbat ng pangungulila sa pamilya ko na maraming taon ko nang hindi nakikita.

May limang taon na akong iniwanan ng aking asawa at dalawang anak. Masakit Dr. Love dahil ako’y pinaratangan nilang nagtataksil.

Working mother kasi ako. Maliit ang sahod ng aking mister kaya tinulungan ko siya sa pagha­hanap-buhay. Dahil sa aking kasipagan bilang sek­retarya, napalapit ako sa aking amo. Mabait siya at hindi mapagsamantala. Mabilis ang aking promotion at nagkaroon ng tsismis na may relasyon kami. Ito ang dahilan kung bakit ini­wanan ako ng aking asawa’t mga anak. Balita ko’y may iba nang kinikilalang ina ang mga anak ko.

Sana’y makarating sa kanila ang mensahe kong ito para malaman nilang nagkakamali sila ng hinala at ako’y nangungulila sa kanila.

Lagrimas

Dear Lagrimas,

Kung totoong hindi ka nagtaksil kailanman, napakahina naman ng tiwala sa iyo ng iyong asawa na dapat sana’y nagsiyasat na mabuti upang makita ang buong katotohanan. Isa pa, dapat sana, noon pa mang nabubuo ang maling hinala ng iyong asawa’y nagresign ka na. Maganda ang intensyon mong tumulong sa paghahanapbuhay pero ang relasyon ng mag-asawa ay higit na mahalaga kaysa pera. Dumadalangin ako na sana’y mabuo pa rin ang inyong pamilya.

Dr. Love

AKING

AKO

BAGONG TAON

DAHIL

DEAR LAGRIMAS

DR. LOVE

DUMADALANGIN

ISA

LAGRIMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with