Hiwalay

Dear Dr. Love,

A pleasant good day to you, Dr. Love. Ikubli mo na lang ako sa pangalang Tommy, 40-anyos. Hindi naging faithful sa akin ang aking asawa. Matapos ang limang taon naming pagsasama ay sumama siya sa ibang lalaki. Apat na taon na kaming hiwalay.

Naiwan sa akin ang kaisa-isa na­ming anak. Masakit ang nangyari pero ito’y ipinauubaya ko na lang sa Diyos. Kahit ang anak ko na ngayo’y pitong taong-gulang na ay hindi maintindihan kung bakit kahit buhay ang kanyang ina ay magkahiwalay kami.

Sinisikap ko na lang na itaguyod mag-isa ang aking anak kahit ma­hirap. Mayroon siyang yaya dahil kailangan kong magtrabaho.

Ayaw ko na sanang makipag­relasyon muli pero kung minsan, for practical reasons, ay iniisip ko iyan. Afterall, sinasabi naman sa Bible na hindi mabuti para sa isang lalaki ang nag-iisa.

Ano ang masasabi mo tungkol dito?

Tommy?

Dear Tommy,

Nasa personal mong evaluation iyan Tommy. Ngunit sa pag-aasa­wang muli, ilang bagay ang dapat mong ikonsidera. Una napawalang-bisa na ba ang kasal mo? Panga­lawa, are you doing it for love or sim­ply to have a helpmate sa pagta­taguyod ng iyong pamilya?

Naniniwala ako na sa pag-aasawa, kailangang may elemento ng pag-ibig. Kung wala, makabu­buting manatili ka na lang bilang single-father.

At kung hindi annulled ang iyong kasal, magiging labag sa batas kung magpapakasal kang muli.

 Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at na­ngangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline. ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

Show comments