^

Dr. Love

Kahit pusakal na maton, mahal ang dugo at laman

-

Dear Dr. Love,

Isa pong mapagpalang araw sa inyo at sa lahat ng inyong mga ka­sa­mahan sa Pilipino Star NGAYON.

Tulad ng ibang nagsisiliham na sa inyo, ako man ay isang masugid na tagasubaybay ng inyong mala­ganap na column.  

Nais ko rin pong maibahagi ang aking karanasan sa buhay para kapulutan ito ng aral ng libu-libo nin­yong mambabasa.

Ako nga po pala ay si Ronnie Bo­linas, isang inmate sa pamban­sang bilangguan.

Ako po ay tubong Tondo, Manila at sa kasalukuyan   ay nakapiit para pagsilbihan ang sentensiyang igina­wad sa akin ng korte dahil sa isang pagkakasala.

Matagal na po akong nakapiit dahil sa krimeng aking nagawa.

Kahit ako nakabilanggo, may­roon po akong babaeng naging ka­relas­yon dito na tawagin na lang po nating Izza.

Tatlong taon kaming    magkare­las­yon at sa panahong yaon, ang akala ko, talagang minamahal niya ako kahit ako isang bilanggo.

Ang buong akala ko, siya ang ba­baeng uunawa sa akin at sa san­daling lumaya na ako, kaming da­lawa ay magpapakasal.

Hanggang sa magdalang-tao si Izza. Ang tuwa ko noon. Pero ang kali­gayahan ko ay napalitan ng kalung­kutan.

Ipinalaglag ni Izza ang sanggol na dinadala niya sa sinapupunan.

Napaiyak ako sa galit nang sa­bihin niya sa akin ang kanyang ginawa.

Ang sabi ko sa kanya, pilit ko siyang inuunawa   sa lahat ng mga hindi namin pagkakaunawaan. Pero ang kitilin ang inosenteng sang­­gol na laman ng aking   laman at mula sa dugong nananalaytay sa aking ka­tawan ay hindi ko mapa­patawad.

Kahit ako isang maton ng Tondo, hindi ko magagawang ipahamak ang aking kadugo.

Ang sabi ko kay Izza, hindi niya ako mahal. Marahil, ikinahihiya niyang mayroon siyang anak na ang ama ay isang bilanggo.

Iyon lang. Kinamuhian ko si Izza.

Humingi siya ng dispensa sa kanyang ginawa at hiningi rin niya ang kanyang kalayaan.

Ang balita ko, mayroon na siyang ibang kinakasama sa ngayon.

Payuhan po ninyo ako. Gulung-gulo po ang isip ko.

Nais ko rin pong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat na ma­tapat na uunawa sa akin at mahi­hingan ng payo sa sandali ng pa­nganga­ilangan.

Gumagalang,

Ronnie Bolinas

Bldg. 2 Dorm 224,

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Ronnie,

Sumaiyo rin ang pagpapala ng ating Panginoon.

Malungkot nga ang naging karanasan mo. Ang inaasam mong anak ay naunsiyami dahil sa desis­yon ng iyong babaeng karelasyon.

Marahil, naduwag si Izza na mag­silang ng sanggol na walang matatawag na ama.

Yaman din lang na humingi na siya ng kanyang kalayaan sa iyo, ha­yaan mo na siya. Idalangin mo na lang ang kaluluwa ng ipinalaglag mong anak at ihingi rin ng tawad sa Dakilang Lumikha ang ginawa ni Izza.

Hangad ng pitak na ito ang ka­payapaan ng iyong isip at dam­damin.

Dr. Love

AKO

DAKILANG LUMIKHA

DEAR RONNIE

DR. LOVE

IZZA

KAHIT

MARAHIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with