^

Dr. Love

Broken-hearted

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo, Dr. Love? Lubos akong uma­asa na nasa mabuting kalusugan kayo sa pag­tanggap ng aking sulat. Matagal na akong ma­sugid na tagabasa ng Pilipino Star NGAYON.

Naglakas-loob akong lumiham sa iyo dahil sa aking problema. Pakitago mo na lang ako sa pangalang Broken-hearted, binatang 30- anyos. Naging miserable ang buhay ko sapul nang iwanan ako ng babaeng aking inibig nang tapat pero sa dakong huli’y nagtaksil sa akin.

Nagsama kami ni Lorna sa iisang bubungan sa loob ng isang taon at kalahati. Sa kanya lamang umikot ang daigdig ko. Pero di ko sukat akalain na kapag ako’y nasa trabaho ay may katipan siyang ibang lalaki. Nakumpirma ko ito nang minsang maaga akong umuwi. Hindi mabuti ang pakiramdam ko noon at parang lalagnatin kaya nag-half day ako.

Hindi ko akalaing bubulaga sa akin ang isang tagpong dudurog sa puso ko. Si Lorna na may katalik na ibang lalaki. Nakapagtimpi ako dahil may takot ako sa Diyos. Pinalayas ko na lang siya kahit masama ang loob ko.

Pakiramdam ko’y gumuho ang daigdig ko at gusto ko nang wakasan ang sarili kong buhay.

Ano ang gagawin ko para mapawi ang pait sa aking dibdib?

Broken-hearted

Dear Broken-hearted,

Hindi pa katapusan ng mundo at huwag mong bayaan na ang isang masaklap na karanasan ay maging daan para maging miserable ka habam­buhay.

Mahirap mang lumimot, hindi imposibleng gawin ito. May kasabihan na mas mabuting umibig at mabigo kaysa lubos na hindi umibig. Kung minsan, ang pagmamahal ay may kaakibat na sakit at sakripisyo.

Kalimutan mo na ang nakaraan at marami pang pag-ibig na naghihintay sa iyo.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

AKO

ANO

DEAR BROKEN

DIYOS

DR. LOVE

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PILIPINO STAR

SI LORNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with