Anak sa labas
Dear Dr. Love,
Isang pinagpalang araw sa iyo, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Santi, 35-anyos at may asawa.
Bata akong nag-asawa kaya ang panganay ko ay 15-anyos na.
Ang problema ko ay ito. Mayroon akong previous relationship. Hindi ko alam na nang makipag-break ako sa kanya ay buntis siya.
Beinte-anyos ako nang pakasalan ko ang aking misis. Nagkaroon kami ng kaisa-isang anak na lalaki.
Nalaman ko na ang kasintahan niya ay anak ng aking ex-girlfriend. Kinabahan ako dahil may feature siya na kagaya ko. Kayumanggi at tipong bumbayin.
Hindi ako agad nakapagsalita nang dalhin siya ng anak ko sa bahay. Pinilit kong makaugnay ang dati kong kasintahan at nakumpirma ko na anak ko ang kasintahan ng aking anak. Magkapatid sila. Hindi ko malaman kung paano ko ito sasabihin.
Tulungan mo ako.
Santi
Dear Santi,
Kinse-anyos ang anak mo at una sa lahat, napakabata niya para makipagrelasyon. Sana’y hindi seryoso iyan. Wala kang magagawa kundi lakasan ang loob mo at magtapat sa kanila.
Kausapin mo muna ang iyong misis at sa kanya ka una magtapat. Mauunawaan ka naman niya marahil dahil hindi ka naging taksil sa kanya kundi nauna mong maging kasintahan ang girlfriend ng iyong anak.
Tapos, kausapin ninyo nang sarilinan ang inyong anak na lalaki at ipagtapat ang lahat. Mahirap pero kailangang gawin.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline. ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)
- Latest
- Trending