Dear Dr. Love,
A pleasant good day to you, Dr. Love. Ikubli mo na lang ako sa pangalang Letlet, 22- anyos at hiwalay sa asawa. My marriage to my husband has not been annulled yet kahit dalawang taon na kaming hindi nagsasama.
Ang broken marriage namin ay bunga marahil ng kapusukan ng kabataan. I was 18 years-old then at 19-anyos naman siya nang magtanan kami.
Sa unang mga taon namin ay masaya naman kami. Kaso, nagsimulang umasim ang relasyon namin nang makunan ako. Gustung- gusto niyang magkaanak kami.
Nang mawala ang baby namin ay ako ang kanyang sinisi. Hindi raw ako naging maingat kaya ako nakunan. Dahil sa pangyayaring ito’y ako na ang lumayas at nagbalik sa aking mga magulang.
May manliligaw ako ngayon na gustung-gusto ko. Kaso paano ko siya pakakasalan gayung may asawa ako legally?
Letlet
Dear Letlet,
Ang tanging solusyon ay annulment. Palagay ko ay magiging madali dahil batambata pa kayo nang magpakasal at wala pang malay sa buhay may-asawa. Isa sa grounds iyan para mapagtibay ang pagpapawalang-bisa ng kasal.
Sa bagay na iyan ay kumonsulta kayo sa abogado. Harinawang nakapulot ka ng magandang aral sa iyong karanasan at nang hindi na maulit ang iyong kabiguan.
Sana rin ay may napulot na gintong aral ang mga ginigiliw nating reader lalo na yung mga nag-aapurang mag-asawa.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)