Dear Dr. Love,
Kumusta ka at magandang araw sa iyo, Dr. Love. Itago mo na lang ako sa pangalang Zeny, 40-anyos. May kinalaman sa babaero kong mister ang problema ko.
Noong araw ay uliran siyang asawa. Maganda ang kanyang trabaho bilang superbisor sa isang pabrika. Ngunit sa ikatlo naming anak ay nagbago na siya.
Naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin at halos hindi na nag-iintrega ng sahod.
Kamakailan lang ay natuklasan ko na may kalaguyo pala ang mister ko. Kinumpronta ko siya at tinanong at umamin siya. Sabi pa niya ay huwag akong magrereklamo at magpasalamat ako dahil hindi pa niya ako nilala yasan.
Ilang gabi na akong hindi makatulog at laging umiiyak. Ano ang dapat kong gawin?
Zeny
Dear Zeny,
Isang malungkot na katotohanan na maraming kalalakihan ang hindi kuntento sa iisang babae.
Maraming babae tuloy ang nagiging “martir” dahil diyan. Ngunit dapat malaman ng mga kalalakihan na ang pangangalunya ay isang krimen na may takdang parusa sa ilalim ng batas.
Kung gusto mo, maaari kang maghabla ng kasong concubinage laban sa mister mo para matamo mo ang katarungan. Pero kailangan diyan ang matibay na ebidensya.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. –Dr. Love)