May bad breath
Dear Dr. Love,
Mainit na pagbati sa iyo, Dr. Love. Umaasa ako na ang sulat na ito ay mapapasakamay mo na ikaw ay nasa mabuting kalusugan at walang problema.
Kung puwede lang, huwag mo nang sabihin ang totoo kong pangalan. Itago mo na lang ako sa pangalang Eenah, 20-anyos.
Kamakailan ay sinagot ko ang isa kong masugid na manliligaw. Tawagin mo na lang siyang Arnee.
Cute siya at malakas ang appeal. Pero may natuklasan ako sa kanya habang nagkakasama kami nang malapitan at matagalan. May bad breath siya. Kaya kapag nag tatangka siyang i-kiss ako ay umiiwas ako. Sinasabi ko na lang sa kanya na conservative ako.
Parang gusto ko nang makipag-break sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin?
Eenah
Dear Eenah,
Kung kasintahan mo na siya ngayon, dapat may malasakit ka sa kanya. Iyan ay kung totoong love mo siya.
Kung ano yung diprensya niya na puwede namang i-correct, sabihin mo sa kanya. May kasabihan tayo na ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwat. Sa Bible, sinasabi rin na “an open rebuke is better than concealed love.”
Mali yung hindi mo sinasabi ang kapintasan ng isang tao lalo na kung mahal mo siya. Kaya hindi solusyon yung makikipag-break ka sa kanya. Kung iyan ang gagawin mo, paano niya malalaman ang kanyang diprensya?
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)
- Latest
- Trending