May gatas pa sa labi
Dear Dr. Love,
Hello and a very pleasant day to you. I’m a teenager with a love problem. Just call me Anna, 14 years-old.
I am studying in one exclusive Catholic school in Quezon City. Nagkaroon ako ng boyfriend. Call him Jim. Matanda ako sa kanya. He is only 13 years-old and going 14 on December 9.
Hindi siya lumigaw sa akin. Naging best friends lang kami for a while and later naging mag-on. Mutual understanding daw ito.
Twice kaming nag-date sa sine at siya ang first kiss ko at ako ang first kiss niya.
Ganun pala ang feeling. Parang nasa high heavens. Nagulat ako nang sabihin niya sa akin na magtanan kami. Para rin akong natutukso pero naiisip ko ang consequence kaya tumututol ako.
Pero nagpipilit siya and lately, napansin ko na hindi na niya ako kinikibo. I love this boy so much at ayaw ko siyang mawala sa akin. Ano ang gagawin ko?
Anna
Dear Anna,
Hay naku, pareho pa kayong musmos at may gatas pa sa labi. Huwag kayong mahuhulog sa tukso dahil kahit magtanan kayo, walang magkakasal sa inyo dahil kapwa kayo minors.
Ang nararamdaman ninyo ngayon ay pansamantala lang. Marami pa kayong dapat matutuhan sa buhay kaya ang excitement na nararamdaman ninyo ay huwag ipagkakamali sa love.
Hala sige, magsipag-aral muna kayo at magtapos ng kurso. High School lang kayo eh kung anu-ano na ang naiisip ninyo.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. –Dr. Love)
- Latest
- Trending