^

Dr. Love

Iniwan na ako ni misis

-

Dear Dr. Love,

Isa pong magandang araw sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng ma­laganap ninyong pahayagan.

Sikat po ang inyong diyaryo dito sa aming kampo. Hindi po ako sun­dalo. Isa po akong preso dito sa Camp Sam­paguita sa pambansang bilangguan.

Kampo po kasi ang tawag namin dito sa aming kinabibilangang selda. Nakulong po ako sa kasong robbery hold-up.

Naglakas-loob po akong sumulat sa inyong column para maibahagi ko rin ang masaklap kong karana­san mula nang ako ay makulong.

Noon, mayroon akong kabiyak ng dibdib at mayroon kaming dala­wang anak. Mula nang mahatulan akong ma­kulong, hindi ko na sila nakita.

Noong una ay inaalo ko pa ang aking sarili na maaaring mayroon lang problema ang aking asawa o kaya’y lubhang abala sa pag-aalaga ng aming mga anak at paghaha­nap­buhay kaya hindi niya ako nada­dalaw.

Pero kapag mayroon akong mga kakilala na nagagawa akong pas­yalan sa kulungan at tinatanong ko ang aking pamilya, ang sagot nila sa akin, umalis na sila sa dati naming tirahan.

Ang pinakahuling balitang na­tanggap ko, mayroon na palang ibang kinakasama ang aking misis.

Nang malaman ko ang impor­masyong ito mula sa isang pinsan, halos gumuho sa akin ang langit. Ayaw kong kumain at parang ayaw ko nang mabuhay pa.

Hanggang isang araw, niyaya ako ng isang kasamahan kong preso na dumalo sa Bible study. Dito nagsimu­lang mabuhay uli ang aking pag-asa bagaman hindi ko pa rin nalilimutan ang aking asawa at mga anak.

Sa pag-aaral sa wika ng Pangi­noon, naunawaan ko ang malaki kong mga kamalian sa buhay. Pilit ko ring inunawa ang aking asawa sa kanyang pagta­likod sa akin.

Dahil din sa pagbabalik-loob ko sa Diyos, sinisikap kong magba­gong-buhay, magpakabuti at lagi kong hini­hiling na sana’y mabigyan pa ako ng panibagong pagkakataon sa buhay.

Ang sabi ng Bibliya, mayroon pang bukas. Dumalangin ka at ikaw ay diringgin ng Panginoon.

Dr. Love, sana po, matulungan ninyo akong malimot ko ang mga kapaitan ko sa buhay. Payuhan mo po ako kung paano ako maka­ta­tayong muli sa dala­wang paa nga­yong wala na ang aking mag-iina.

Sana rin po, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat. Sa ngayon po, nagbalik-eskwela ako para maisulong ko ang ka­alaman sa buhay at mapag­yaman ang aking isipan sa mga bagay-bagay na maga­gamit kong gabay sa sandaling maka­balik na akong muli sa malayang lipunan.

Maraming salamat po at more power to your column and Pilipino Star NGAYON.

Lubos na gumagalang,

Mark Benjie Ninguna

4B Student Dorm, 

MSC, Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Mark,

Salamat sa pagtangkilik mo sa pitak na ito at gayundin sa pahaya­gang PSN.

Alam mo, halos lahat na liham na na­­tanggap ng pitak na ito mula sa mga kasamahan mo diyan ay nag­sasabing ini­wan sila ng asawa kundi man kasintahan.

Marahil, dala iyan ng kahinaan ng mga katuwang ninyo sa buhay na sa sandaling malayo na kayo sa isa’t isa, wala na silang masasan­dalang padre de pamilya kundi man dala ng pan­sarili nilang panganga­ilangan at kaligayahan.

Ang pagkakakulong ng isang asawa ay mayroong malaking epekto sa pamilya at para marahil mata­kasan ang kalungkutan sa pag-iisa, huma­hanap sila ng ibang masasandalang tatayong padre de pamilya.

Hindi naman natin nilalahat ang mga babae. Mayroon din namang ibang matiyagang naghihintay at nagsosolong binabalikat ang hirap ng pagdadala ng pamilya.

Marahil, kung may sariling pagkita ang isang babae o kaya’y mayroong pamilyang tumutulong sa kanila at nagpapalakas ng kanilang loob, malalabanan nila ang mga tukso at lungkot ng pag-iisa.

Kaya, marahil, unawain mo na rin siya. Ang pamilya mo ay may­roon ding binabalikat na epekto ng pagka­kaku­long mo lalo na sa mga bata.

Nakalulugod na nagbalik-loob ka sa Panginoon at sana’y ituluy-tuloy mo na ito kahit pa lumaya ka na sa bilangguan.

Ang kabutihang natutunan mo sa piitan ay babaunin mong alaala sa san­daling makabalik ka na sa laya.

Good luck to you.

Dr. Love

AKING

AKO

AKONG

BUHAY

CAMP SAM

CAMP SAMPAGUITA

DEAR MARK

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with