The second time around
Dear Dr. Love,
Hi and hello to you, Dr. Love. Ipinaaabot ko sa iyo ang aking warmest greetings kasama na sa buong staff ng Pilipino Star NGAYON pati na sa iyong legions of readers.
Noon ko pa planong sulatan ka pero medyo naging busy ako. At dahil nagkaroon ako ng pagkakataon, at last ay nakasulat din ako sa iyo.
Tawagin mo na lang akong Rina, 48-anyos at matandang dalaga. Ako’y isang public school teacher at masyado siguro akong nalibang sa pagtuturo na itinuturing kong bokasyon.
Noong 23-anyos ako ay nagkaroon ako ng boyfriend. Siya ang first serious relation ko. Kaso, hindi kami magkapalad talaga dahil napikot siya ng ibang babae.
Siyempre nasaktan ako. Isinubsob ko na lang ang sarili ko sa pagtuturo. Nagulat ako nang isang araw ay may dumalaw sa akin na mamang kalbo. Nang titigan ko’y nakilala ko siya. Siya ang aking ex-boyfriend. Nagkumustahan kami at nasabi niya na namatay sa kanser ang kanyang asawa. Di nagtagal ay nag-propose siya muli sa akin. Gusto niyang pakasalan ako.
Pero parang naaalangan na ako sa edad namin ngayon. Siya ay 55-anyos na. Pero aaminin kong nadarama ko na love ko pa rin siya. Please, tulungan mo akong magdesisyon.
Rina
Dear Rina,
Sa gulang mong iyan ay dapat ka pa bang tulungan? Oo na. May kasabihan na love is sweeter the second time around. Pareho kayong may edad na and you deserve a second chance sa inyong naunsiyaming lovelife. Kaya kung ako ikaw, hindi na ako mag-aatubili. It’s time for you to be happy. Bigyan mo siya ng pagkakataon to make up for whatever shortcomings he has done nung magpapikot siya sa babaeng napangasawa niya.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)
- Latest
- Trending