^

Dr. Love

Dapat bang magtapat sa mga magulang?

-

Dear Dr. Love,

Hello po at sana’y nasa mabuti kayong kalagayan sa pagtanggap mo ng liham ko. May dalawang taon na po akong masugid na reader ng Pilipino Star NGAYON lalo na ng kolum na Dr. Love.

Sumulat ako dahil sa advice ng aking kaibigan na kahingahan ko ng aking mga problema. Una’y nahihiya ako pero nilakasan ko na ang loob ko at hindi ko na lang sasabihin ang totoo kong pangalan. Tawagin mo na lang akong Gina.

Nagkaroon ako ng relasyon sa aking professor at ito’y mag-iisang taon na. Nabuntis ako kaya nagtungo ako sa isang malayong lalawigan, sa mga kaanak ng best friend ko, dahil natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nalaman ito ng aking mga magulang. Kahit ang professor ko na naging karelasyon ko ay hindi alam kung nasaan ako.

May tatlong buwan na akong hindi umuuwi at hinihimok na ako ng mga magulang ng friend ko na umuwi na at magsabi nang totoo sa aking mga magulang. Mayroong kamag-anak ang aking friend na gustong ampunin ang aking isisilang na anak. Tama ba ang gagawin ko kung ipaaampon ko ang magiging baby ko?

Gina

 

Dear Gina,

Ang pinakatama mong magagawa ay bumalik sa iyong mga magulang and tell the truth. Kung ako ang nasa kalagayan ng parents mo, baka inatake na ako sa puso dahil ang tagal mo nang nawawala.

By the way, pinakikibalitaan mo ba ang mga parents mo? Sige ka. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila dahil sa ginawa mo.

Walang magulang na makatitiis sa anak at naniniwala akong magalit man sila sa umpisa ay mauunawaan ka nila. Kaya huwag kang matakot na humarap sa kanila. Nakagawa ka ng mali, ituwid mo at harapin ang bunga ng iyong kamalian.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. –Dr. Love)

AKING

AKO

DEAR GINA

DR. LOVE

GINA

KAHIT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with