Persistent suitor

Dear Dr. Love,

Isang mabiyayang araw sa iyo, Dr. Love. Hindi mo naitatanong, paborito kita sa lahat ng mga love advisers sa mga pahayagan at magasin.

Tawagin mo na lang akong Susan, 31- anyos. Sumulat ako sa iyo dahil sa mabigat kong problema. Ilang buwan ko na ring pasan-pasan ang problemang ito at ikaw ang naisip kong lapitan.

Isa akong Executive Secretary sa isang business firm. Maligaya ang pamilya ko at masaya ang marriage naming mag-asawa.

Magsasampung taon na kami ng aking asawa at hindi nagkakaroon ng problema ang aming pagsasama.

Pero ewan ko ba. Kung kailan smooth-sailing ang aming relasyon ay saka pa dumarating ang ganitong mga pagsubok. Pumoporma sa akin ang aking boss. Hindi naman ako nagkaka­gusto sa kanya ngunit masyado na akong naiilang sa mga diskarte niya.

Diniretsa ko na siya na maligaya ang pamilya ko at huwag niyang tangkaing wasakin pero mapilit pa rin. Ano ang gagawin ko?

Susan

Dear Susan,

Tingin ko’y persistent suitor ang amo mo. Mabuti at matatag ka at prioridad mo ang kapa­kanan ng pamilya.

Sa kabila niyan, mas makabubuting siya na ang iwasan mo. I know mahirap maghanap ng trabaho pero makabubuting magbitiw ka sa opisinang iyan.

Sabihin mo mang wala kang gusto sa amo mo, baka dahil sa matinding pagnanasa niya sa iyo’y daanin ka sa dahas. Sabihin mo rin sa asawa mo na sunduin ka sa opisina pagkatapos ng trabaho.

But as I have said, better resign and look for another job.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project ­specifically targets OFWs and their families­ in different parts of the world.)

Show comments