^

Dr. Love

Scholarship kapalit ng pag-ibig

-

Dear Dr. Love,

A very warm greetings to you and your legions of readers.

Ako po si Andy, 55-anyos at matandang binata. Ni minsan ay hindi ako nakatikim ng kasal dahil gusto ko’y live-in lang.

Sa loob ng maraming taon, nakatatlong ka-live-in na ako. Ako lagi ang umaayaw kapag pinagsawaan ko ang isang babae.

Pero kakaiba ang ka-live-in ko ngayon. Masarap kasiping dahil sariwa. Siya na ang pinakabata sa gulang na 19-anyos sa mga naging ka-live-in ko.

Mahirap lang siya at gustong makapagtapos ng pag-aaral. Ako ang tumutustos sa kanyang pag-aaral sa college.

Pero natuklasan kong may boyfriend siya na kamag-aral niya. Nang tanungin ko siya ay hindi naman siya nagkaila. Diniretsa niya ako at ang sabi’y gusto lang niyang makapag-aral kaya siya pumatol sa akin.

Umiyak siya kaya naawa naman ako. Sabi niya payag daw siyang magsilbi bilang “asawa” ko habang pinag-aaral ko siya.

Hihingin ko lang ang iyong opinion. Dapat ko bang ipagpatuloy ang relasyong ganito sa kanya?

Andy

Dear Andy,

Sa edad mo’ng iyan, ano pa ba ang aasahan mo sa isang girlfriend na kasing-bata ng kinakasama mo ngayon? Natural nasisiyahan ka sa pagkakaroon ng isang batambatang kalaguyo pero susuklian mo iyan sa ibang paraan. In your case, pinag-aaral mo siya.

Tinatanong mo kung tamang ipagpatuloy ang relasyon. Mali. Para sa akin, ang pagkakaroon ng asawa ay dapat may kalakip na mutual love. Mahal mo siya, mahal ka niya.

Hindi problema ang agwat sa edad basta’t may elemento ng tunay na pag-ibig ang bawat isa.

Pero kung sinusuklian mo lamang iyan ng material na bagay, maling-mali. Kung tapat ang gusto mong tulungan siya sa pag-aaral, hiwalayan mo na siya at ituloy ang pagtataguyod sa kanyang edukasyon nang walang kapalit. Pagpapalain ka pa ng Diyos kung magkagayon.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

AKO

ANDY

DAPAT

DEAR ANDY

DINIRETSA

DIYOS

DR. LOVE

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with