^

Dr. Love

Laki sa hirap

-

Dear Dr. Love,

Sana’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng liham kong ito. Kung puwede ay pakitago mo ako sa pangalang Eldon.

Matatawag mo akong isang batang lansangan. Pulubi lang ang mga magu­lang ko at ako’y ipinanganak sa kariton. Pero hindi naging hadlang sa buhay ko iyan. Hindi ako namalimos. Namulot ako ng basura at dinadala ko upang ibenta sa junkshop.

Hanggang sa umasenso ako. Napa­mahal ako sa may-ari ng junkshop na isang matandang binata at nang siya ay pumanaw, sa akin niya ibinigay ang negosyong iyon.

Hindi man ako mayaman ay naka­karaos nang matiwasay. Squatter mang matatawag ay komportable ang buhay. Pero ito ang naging problema ko. May kasintahan ako.

Hindi rin mayaman pero naninirahan sa isang apartment kasama ng kanyang mga magulang. Tutol sa akin ang mga magulang niya dahil magba­basura lang daw ako. Ano ang gagawin ko?

Eldon

Dear Eldon,

Kahit tutol ang mga magulang niya, kung talagang mahal ka ng kasintahan mo ay ipaglalaban ka niya.

Pero kung sunud-sunuran ang kasin­tahan mo sa dikta ng kanyang mga ma­gulang, wala kang magagawa.

Pero pinabilib mo ako. Ang hirap na dinanas mo ay halimbawa na kahit sinong tao’y binibigyang tsansa ng Diyos na umasenso.

Bata ka pa naman, magsumikap ka pa at taasan mo pa ang iyong pangarap. Sa tulong ng Diyos at ng iyong pagsisikap, uunlad ka.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www. ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

AKO

ANO

BATA

DEAR ELDON

DIYOS

DR. LOVE

ELDON

HANGGANG

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with