^

Dr. Love

Umiibig sa iba

-

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw sa iyo, my favorite love adviser, Dr. Love.Tawagin mo na lang akong Marty, 27-anyos.

Lumiham ako dahil sa ako’y dumaranas ngayon ng problema. Hindi basta problema kundi mabigat na problema.

Isa akong executive sa isang business firm. Happy ang family ko. May asawa ako at tatlong anak.

Through all the seven years na kapiling ko ang misis ko, ni minsan ay hindi ako naging taksil.

Pero parang gusto kong magtaksil ngayon. Naramdaman ko ito mula nang dumating sa buhay ko ang aking bagong secretary. Maganda siya at magiliw sa akin.

Alam kong hindi makabubuti ang pagtataksil ngunit malakas ang hatak ng tukso. Paano ko ito mapaglalabanan?

Marty

Dear Marty,

Think of your family. Think of your kids. Dahil maganda ang inyong samahan, a very bright future is ahead of them.

Isipin mo na kung mawawasak ang iyong pamilya ay sila ang unang magdurusa. Lagi ka ring manalangin at magbulay sa Salita ng Diyos upang diyan ka humugot ng lakas.

Tao lamang tayo oo pero ang Diyos ang nakapagbibigay sa atin ng kalakasan para paglabanan ang tukso.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofw online.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

ALAM

DAHIL

DEAR MARTY

DIYOS

DR. LOVE

ISA

ISANG

ISIPIN

MARTY

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with