Lesbian relationship

Dear Dr. Love,

Firstly, let me greet you a pleasant day. Tawa­gin mo na lang akong   Ciel, 23 anyos na duma­ranas ngayon ng krisis tungkol sa aking kasarian.

Lumaki ako at nagdalaga na wala namang problema. Mula nang 17 anyos ako, nagkaroon ako ng pitong boyfriends. Ngayon ay mayroon akong kasintahan pero nagbago ang takbo ng isip ko nang makilala ko si Lerma.

Naging very close kami at hindi ko akalaing lalalim nang ganito ang aming relasyon.

Kung titingnan mo ay babaeng babae si Lerma. Pero hindi ko akalaing magtatapat siya ng pag-ibig sa akin.

Nagkaroon kami ng relasyon at nakipag-break ako sa aking boyfriend. Hindi ko main­tindihan ang nadarama ko. Ito ba ay tama? Tulungan mo ako Dr. Love.

Ciel

Dear Ciel,

Mali ang nadarama mo. Ang lalaki ay nilikha para sa babae at ang babae’y para sa lalaki.

Ang relasyon ng babae’t lalaki ay may dahilan bukod sa pag-ibig. Ito ay para magka-anak o pag­­paparami ng lahi. Ang ganyang layunin ay hindi magagampanan ng babae at babae o lalake at lalake.

Ang homosexual at lesbian relationship ay labag sa kautusan ng Diyos.

Dr. Love

Show comments