^

Dr. Love

Bakit nila ako pinabayaan?

-

Dear Dr. Love,

My warmest regards to you and to all the members of PSN staff.

Ako po pala si George Mandaraga, 37 years- old, at nakapiit dito sa National Bureau of Prisons sa Mun­tinlupa dahil sa nasangkot ako sa pagkamatay ng isang neophyte sa fraternity noong 1994.

Ang masakit po nito, ako ang nasakripisyo at nadiin sa kaso. Hindi po ako ang nakapatay sa estud­yanteng iyon na nagnanais na pumasok sa orga­nisasyon kundi ang mga ka-brod ko.

Ang sabi nila noon sa akin, tutulungan nila ako sa kaso. Pero hanggang sa salita lang pala sila dahil bigla silang nawalang lahat na parang bula.

Ang higit pang masakit, tinalikuran ako ng aking nobya. Ang akala yata niya, talagang ako ang may sala at hindi na ako lalaya.

Kulang siya ng tiwala sa akin. Kulang siya ng paniniwala sa mga sinabi ko sa kanya.

Labis akong nagdamdam sa pagtalusira ng aking brods sa kanilang pangako sa akin pero higit kong dinamdam ang pagtalikod ng aking girlfriend. Pero ano pa nga ba ang aking magagawa?

Naka-13 na taon na ako dito sa bilangguan at ni anino ng aking mga kasamahan sa fraternity ay hindi ko man lang nasilayan.

Lubos ang aking pagsisisi kung bakit ako napasok sa gusot. Ang akala ko ay matibay ang kapatiran ng samahang napasukan ko. Bakit ako ang nadiin? Bakit ako ang nagdurusa?

Gayunman, lubos akong nagpapasalamat sa Poong Maykapal na siyang gumabay sa akin sa panahon ng pag-iisa at kalungkutan.

Natuto akong magdasal at humingi ng kapata­waran sa mga pagkukulang. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa sa buhay sa kabila ng aking kalagayan.

Sa ngayon po, nag-aaral ako dito sa loob sa hangad na magkaroon ng kaalaman na magagamit ko sa sandaling makalaya na ako sa piitan.

Ang hiling ko po sa inyo, sana sa pamamagitan ng inyong column, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat para magkaroon ako ng inspirasyon sa buhay at kahingahan ng aking mga sama ng loob at mumunting suliranin.

Hanggang dito na lang po at maraming salamat. More power to you.

Lubos na umaasa,

George Mandaraga

4-C Student Dorm,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear George,

Hindi pa huli ang pagbabagong-buhay. Ang karanasan mo diyan sa loob ng piitan ang siyang magpapatibay sa iyong commitment sa sarili na tatalikuran mo na ang mga grupong walang ituturong mabuti kundi trouble.

Ang pagsapi sa isang organisasyon ay mabuti kung maganda ang layunin ng samahan, hindi gumagamit ng karahasan at hindi nananakit ng mga bagong sumasapi sa fraternity.

Pero kung ang pinaiiral ng samahan ay pangi­babawin ang pananakot sa mga miyembro para makuha ang kanilang katapatan, hindi mabuti iyan.

Ang katapatan ng mga miyembro ng organisasyon ay hindi nakukuha sa dahas kundi sa integridad ng samahan at mga lider nito.

Ang kapatiran ay nakabase sa marangal na layunin ng organisasyon, pagpapairal ng compassion, respeto at pagtutulungan.

Siguro sa ngayon, magdadalawang-isip ka na sa pagsali sa fraternity. Hindi naman masama na mapa­bilang sa isang samahan, pero dapat piliin ang aanibang asosasyon.

Pagbutihin mo ang rehabilitasyon diyan sa loob at ituloy mo ang pagbabago gayundin ang pag-aaral.

Huwag mong kalilimutang tumawag sa Diyos dahil Siya lang ang makakatulong sa iyo para malampasan mo ang mga pagsubok sa iyong buhay. Makakatagpo ka rin ng nobyang magmamahal sa iyo ng tapat.

Dr. Love

AKING

AKO

BAKIT

C STUDENT DORM

CAMP SAMPAGUITA

DR. LOVE

GEORGE MANDARAGA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with