Nawawalang mister

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo, Dr. Love? Hindi n’yo naita­tanong, paborito kong basahin ang inyong kolum. I hope you are in the best of health sa pag­tanggap ng liham kong ito. Sana’y mai-feature mo ang sulat kong ito.

Tawagin mo na lang akong Irma, 27- anyos. Ang asawa ko ay isang seaman at limang taon nang wala kaming komunikasyon. Nang magta­nong ako sa kompanya niya, hindi na nila alam kung nasaan siya. Malamang daw ay nag-jump ship siya o lumipat ng pinagta-trabahuhang barko habang nasa abroad.

Matagal na rin siyang hindi nagpapadala ng sus­tento kaya napilitan akong magtrabaho bilang cashier sa isang malaking grocery para maita­guyod ang dalawa naming anak.

Nang magtanong ako sa mga magulang niya, mukha namang hindi sila nababahala. Sa tingin ko’y itinatago nila sa akin ang aking asawa dahil noon pa’y alam kong sinisiraan nila ako sa aking mister.

Ano ang dapat kong gawin?

Irma

Dear Irma,

Kung hindi man lang sila nababahala sa na­wawala nilang anak, malamang ay itinatago nila sa iyo ang iyong asawa.

Kung kakilala mo ang iba nilang kaanak, mag­simula ka nang mag-imbestiga at tanungin mo sila kung may nalalaman sila sa iyong nawawalang asawa.

Siguro naman, hindi lahat ng kamag-anak nila ay kakampi sa maling ginagawa nila.

Sa ganyang problema ay tiyaga at pasensiya ang kailangan.

Dr. Love

Show comments