^

Dr. Love

Paano mapapansin?

-

Dearest Dr. Love,

Kumusta po kayo? Kung puwede’y tawagin mo na lang akong ”Simple Me.”

Beinte-anyos na ako sa Nobyembre at may napupusuan na akong guy. Kaklase ko siya sa college.

Kaso, dalawang buwan ko na siyang kaibigan pero ni hindi nagpaparamdam. Gusto ko na ngang ako na ang magparamdam eh.

Walang ibang nakakaalam na crush ko siya. Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan.

Nahihirapan na ako sa aking katayuan. Mahirap pala na umibig tapos hindi ka pinapansin ng mahal mo.

Dr. Love, May paraan ba para mapansin niya ako?

Simple Me

 

Dear Simple Me,

You are very young at hindi maganda sa dalagang tulad mo na “magparamdam” sa lalaking napupusuan mo.

Tandaan mo na sa ating kulturang Pilipino, ang babae ang hinahabol ng lalaki. It is not the other way around.

Kahit malaki ang gusto mo sa kanya, hindi mainam sa isang dalagang Pilipina ang magpakita ng motibo sa lalaki. Kasi bababa ang pagtingin sa iyo ng tao.

Ano ang dapat gawin? Maghintay. Panahon lamang ang makapagsasabi kung liligawan ka ng crush mo o hindi.

Kung hindi, huwag mong ipagpilitan ang iyong sarili at may iba pang lalaki na makakapansin at liligaw sa iyo basta’t huwag ka lang mag-apura.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BEINTE

DEAR SIMPLE ME

DR. LOVE

KAHIT

KAKLASE

KASI

KASO

SIMPLE ME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with