Silahis
Dear Dr. Love,
How are you, Dr. Love? I hope you’re in the best of situations as you receive my letter.
Sana’y bigyan mo ng priority ang sulat kong ito dahil I’m badly in need of advice. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa kasalukuyang kalagayan ko.
Pakitago mo na lang akong sa alyas na “Closet Queen,” may asawa at dalawang anak.
Nasa high school pa lang ako nang una kong madama na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki. Pero sinupil ko ang aking damdamin.
Pinilit ko ang aking sarili na umibig sa kababaihan. Katunayan, nakaapat akong girlfriends bago ako nagpasyang pakasalan ang aking misis sa ngayon. Walang sino man ang nakakahalata na ako’y may damdaming babae rin.
Batid kong nilikha ako ng Diyos na isang lalaki, pero bagamat nagkakagusto rin ako sa babae ay may attraction din sa akin ang kapwa ko lalaki lalo na kung guwapo. Lagi ko lang iniisip na isa akong lalaki at ang ano mang nararamdaman ko ay tukso lang at hindi ako dapat mahulog sa tukso.
Sa edad kong ito na 30-anyos, hindi ko naranasang makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki. Pero pakiramdam ko’y nasa madulas na gilid ng isang bangin na maaaring mahulog anumang oras.
Ano ang dapat kong gawin?
Closet Queen
Dear Closet Queen,
Congratulations sa iyong katatagan. My advice is keep it up. Alam kong patnubay na rin ng Diyos ang sumasa-iyo kaya nakakaya mong paglabanan at supilin ang iyong damdamin.
Always meditate on God’s words and pray that the Lord will always guide and keep you. Ang hindi kaya ng ating katawang lupa ay kayang-kaya ng Diyos. Sa kanya tayo laging sumandal.
Isipin mo na lang na tumagal ka na napaglabanan mo ang iyong damdamin, ngayon ka pa ba bibigay?
Isipin mo ang iyong pamilya. Maligaya kayong nagsasama sa loob ng matagal na panahon, pababayaan mo ba itong mawasak sakaling ikaw ay “mahulog sa bangin?”
Dr. Love
- Latest
- Trending