Nagsisisi

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo Dr. Love? Pakitago mo na lang akong sa alyas na White Rose. Sa darating na August 17 ay 27-anyos na ako. Until now ay single pa rin ako. Tinatanong nga ako ng parents ko kung kailan ako mag-aasawa at ang laging sagot ko ay “when the right one comes along.”

Pero sa totoo lang, ayaw ko nang umibig matapos akong mabigo sa unang kasintahan kong minahal nang totoo. Actually, pangatlo siya sa naging boyfriend ko. Pero sa kanya lang akong naging seryoso at akala ko ay kami na ang magkakatuluyan.

May dalawang taon na nang kami’y mag-break. Ako ang nakipagkalas sa kanya dahil natuklasan kong may anak siya sa labas.

Nagkaroon daw siya ng unang live-in partner at nagkaanak sila na ngayo’y inaalagaan niya. Aniya, pinagtaksilan siya ng kasintahan niya at sumama sa ibang lalaki.

Parang hindi ko ma-take na may naunang minahal ang mahal ko. Iyan ang dahilan kung bakit nakipagkalas ako.

Nagpunta siya sa Canada at ang balita ko’y nakapag-asawa na siya roon. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko siya napatawad pero napagpasyahan ko na ring huwag nang umibig pa.

Pero lagi akong di-mapakali tuwing naaalala ko ang boyfriend ko. Ano kaya ang dapat kong gawin?

White Rose

Dear White Rose,

Madalas ay nakakagawa tayo ng mga bagay na pinagsisisihan natin. Kung minsan ay nakakabawi tayo pero kung minsan ay hindi na.

Sa kaso mo, wala ka nang magagawa para bumawi dahil nag-asawa na ang mahal mo. The best you can do is to put the past behind you. Kalimutan mo na siya at magsimula kang muli.

Maaaring mahirap gawin pero iyan lang ang puwede mong gawin.

Dr. Love


Show comments