^

Dr. Love

Langit at lupa

-

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw sa iyo, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Cris Bernardo. Isa lamang akong buko vendor at sa aking pagtitinda, nakilala ko si Aida. Matandang dalaga na siya sa edad na 41-anyos. Ako naman ay 37-anyos at binata pa naman. Nasabi niya sa akin minsan na naging man-hater siya dahil puro mapag­samantala lang ang mga lalaki.

Naging suki ko na si Aida. Lagi niyang ipinaparada sa harap ng kariton ko ang kanyang magarang kotse na de-tsuper.

Mabait siya sa akin pero hindi ko malaman kung may gusto siya sa akin. Nababasa ko kasi sa mga mata niya na may gusto siya sa akin pero natatakot naman akong dumiskarte dahil sa kalagayan namin. Imagine, buko vendor lang ako at siya’y isang mayamang negosyante.

Anim na buwan na kaming magkakilala at hangga ngayo’y nangingimi akong manligaw.

Natatakot ako na baka kung magtapat ako sa kanya ay mapagkamalang pera lang niya ang target ko. Sa katayuan ko kasi ngayon, parang langit at lupa ang aming agwat.

Pagpayuhan mo sana ako Dr. Love kung ano ang dapat kong gawin.

Cris

Dear Cris,

Kung mahal mo siya at maganda ang intensyon mo, wala kang dapat ipangamba. Mag­tapat ka. Kung bigyan man niya ito ng masa­mang kahulugan, at least naibulalas mo ang laman ng iyong puso. Mahirap kasi ang tanong mo kung mahal ka kaya niya o hindi. Posibleng hindi, posible ring oo. Pero mapapatunayan mo lamang iyan kung mag­ po-propose ka sa kanya. Walang masama dahil dalaga siya at binata ka naman.

Dr. Love


AIDA

CRIS BERNARDO

DEAR CRIS

DR. LOVE

ISA

ISANG

KUNG

LAGI

MABAIT

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with