^

Dr. Love

Utang na loob

-

Dear Dr. Love,

Una po sa lahat, masaganang pagbati at pangu­­ngumusta.

Masugid mo po akong tagahanga. Sana hindi kayo manghinawang magbasa ng mga ipina­dadala sa inyong sulat at magbigay payo sa mga idinudulog sa inyong problema.

Kailangan naming mga bilanggo ang isang tulad ninyo na nakakaunawa at matiyagang sinasagot ang aming suliranin.

Gaya nga po nang nabanggit ko na, isa akong bilanggo. Nakapatay ako ng tao sa pagtatanggol sa puri ng mahal kong nobya.

Kahit nakulong, tanggap ko na ang kapalaran ko. Hindi naman nasayang ang aking sakripisyo. Pinatunayan ng mahal ko na tapat siya. Lagi niya akong dinadalaw. Katunayan, nagbunga nga ang aming pagmamahalan sa conjugal visit.

Pero mali pala ako. Ang una kong pagtaya sa kata­patan ng aking nobya ay hindi pala mapang­haha­wakan.

Marupok din pala siya tulad ng ibang misis ng ilang mga kasamahan ko dito.

Nabalitaan ko na lang na mayroon na siyang ibang mahal. Ang aming anak at ang aking nobya ay lumayo na.

Naisip ko tuloy, maaaring ang unang ipinakita niya sa aking kunwaring pagmamahal ay isa lang pagbabayad ng utang na loob dahil nakulong ako sa pagdedepensa sa kanya.

Sa kabila ng ginawa niyang pagtalikod sa akin, hindi ko pa rin po siya malimutan.

Paano po ba ang lumimot?

Mayroon pa kayang ibang babaeng magka­kamaling magmahal sa akin sa kabila ng aking nagawang krimen?

Hangad ko po ang patuloy na pagsulong ng inyong column. Sana rin, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.

Lubos na gumagalang,

Jaime Rivera

I-A Student Dorm

Y.R.C., Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Jaime,

Salamat sa liham mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa sa buhay.

Kahit ka nagkasala kung tapat sa loob ang pag­sisisi, mapapatawad ka pa rin ng Panginoon.

Maaaring tama ang hinala mo na nais lang kumi­lala ng utang na loob ang dati mong nobya dahil sa nakulong ka sa pagdedepensa sa kanya.

Ang hindi niya alam, hindi naman mahalaga ang pagbabayad ng utang kung ang kapalit naman ay pagtalikod sa iyo.

Ayaw din naman niyang may masasabi ang ibang tao na wala siyang utang na loob kaya’t noong una, dinadalaw ka niya sa piitan.

Kaya, hayaan mo na lang siya. Mas mabuti na lang daw ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Ang Panginoon ang siyang gaganti sa iyo.

Hangad ng pitak na ito ang kapayapaan ng iyong kalooban at isipan.

Bigyan mo na siya ng laya at oo naman, mayroon pang ibang babaeng matatagpuan ka na iibig sa iyo nang tapat.

Dr. Love

ANG PANGINOON

CAMP SAMPAGUITA

DEAR JAIME

DR. LOVE

HANGAD

I-A STUDENT DORM

JAIME RIVERA

KAHIT

MUNTINLUPA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with