Selosang boss

Dear Dr. Love,

Ako po’y bumabati sa inyo at sa lahat ng avid fans ng inyong kolum. Umaasa ako na nasa mabuti kang kalusugan sa pagtanggap mo ng sulat kong ito.

Tawagin n’yo na lang akong Emily, isang saleslady sa isang kilalang mall. Hindi na sana ako susulat sa iyo pero hindi ko mala­man ang gagawin ko sa aking problema. Breadwinner ako sa pamilya at ako lamang ang nagta­trabaho at tagilid pa ako ngayon. Kung bakit ay bayaan mong iku­wento ko sa iyo.

Ang boss ko ay isa ring babae at may boyfriend na kasamahan namin sa trabaho. Kaso nagkalapit kami ng loob ng boyfriend niya pero bilang magka­ibigan lang. Madalas niya akong kinakausap kapag break time.

Actually, mayroon na rin akong boyfriend at mahal na mahal ko siya. Pero napansin ko na naging masu­ngit sa akin ang aking boss. Kaun­ting pagka­kamali ko ay pinagsa­sabihan ako nang masasakit. Nagbanta pa siya na irerekomenda ako na maalis.

Minsan ay kinausap ko siya nang sarilinan. Sinabi ko na kung nagse­selos siya ay walang dahilan para gawin niya ito dahil magka­ibigan lang kami ng bf niya.

Hindi siya kumibo sa sinabi kong iyon. Dr. Love. Ayokong may ka­alitan ako sa trabaho lalo pa’t supervisor­ ko. Ano ang gagawin ko?

Emily

Dear Emily,

Pagsabihan mo ang kaibigan mo na huwag mag­dididikit sa iyo dahil selosa ang kanyang girlfriend.

Palagay ko naman ay maiintin­dihan ka niya dahil trabaho mo ang nakataya. Hindi makatuwiran ang ginagawa ng boss mo sa iyo pero nature niya iyan. Selosa siya kaya ikaw ang magparaya.

Kung puwede, sabihan mo ang kasintahan mo na sunduin ka nang ma­dalas para makita ng iyong lady boss nang sa ganoon ay mawawala ang kanyang insecurity­ at aalisin na niya ang pagtataray sa iyo.

Kaya bago ka matanggal sa trabaho ay iwasan mo na magka­dikit kayo ng iyong kaibigan.

Dr. Love

Show comments