^

Dr. Love

Hindi ako susuko, makakabangon din ako

-

Dear Dr. Love,

Nawa’y pagpalain po kayo sa araw na ito. Taos-puso po akong nangungumusta sa inyo at sa lahat ninyong mga kasamahan sa Pilipino Star NGAYON.

Hindi po ninyo naitatanong, isa po ako sa masusugid na tagasubaybay ng inyong column, ang Dr. Love, at tunay po namang hitik ito sa mga aral sa buhay na nakakatulong sa mga mambabasa lalo na sa mga tulad kong bilanggo.

Ako po si Ernesto A. Putong, 27 years-old, tubong Bicol at ang hilig ay tumugtog ng gitara at piyano.

Napadpad po ako dito sa pambansang bilangguan noong ako ay 20-anyos pa lang dahil nakapatay ako ng tao sa pagdedepensa sa aking sarili.

Dahil sa hindi ko sinasadyang krimen, naglahong parang bula ang lahat kong mga pangarap sa buhay.

Gayunman, sa kabila ng aking pagkakakulong, ayaw kong isuko ang sarili sa labis na kalungkutan at “stigma” ng pagiging isang bilanggo.

Ang sabi ko sa aking sarili, sa kabila ng pansamantalang kawalan ng kalayaan, hindi ako bibigay sa anumang matinding epekto ng aking nagawang pagkakasala.

Kaya naman ako ay nagsisikap na muling makapag-aral sa bilangguan para mapaghandaan ang aking kinabukasan.

Hindi man ako nakapagtapos ng kolehiyo noong nasa laya pa ako, dito ay sisikapin kong maabot ang nabigo kong pangarap.

Mahirap man, nakakayanan ko pa ring pagtiisan dahil sa positibo kong pananaw sa buhay.

Ang pagkabigo ng aking mga pangarap ay hindi hadlang para ako ay agad sumuko.

Bagkos ito ang ginagawa kong inspirasyon para ako ay matutong bumangon at lumaban.

Alam naman ninyo ang kalagayan naming mga bilanggo. Balot na sa lungkot, kapos pa sa kalinga ng mga mahal sa buhay.

Sana po sa pamamagitan ng inyong pitak, matulungan ninyo akong magkaroon ng pen pal.

Hanggang dito na lang po at hanggang sa muli.

Ngayon pa man ay nagpapasalamat na ako sa inyo at sa wala ninyong sawang pagbibigay ng atensiyon sa aming mga bilanggo at sa pagsisikap ninyong buhayin ang aming pag-asa sa buhay.

Respectfully yours,

Jhun Putong

Medium Security Compound,

Dorm 4-D, Camp Sampaguita,

Muntinlupa City

Dear Jhun,

Salamat sa liham mo at pinupuri ko ang attitude mo sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Ipagpatuloy mo nga ang pagpupunyagi para maisulong ang iyong mga pangarap sa buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

Bukod sa pag-aaral, marahil, hindi mo rin nakakaligtaang manalangin sa Panginoon para ihingi ng kapatawaran ang nagawang pagkakasala at humingi rin ng tulong para mapag-ibayo pa ang katatagan ng damdamin para mapaglabanan ang mga pagsubok at hamon sa buhay.

Good luck to you at sana, matupad mo ang hangaring magkaroon ng mga kaibigan sa panulat.

Dr. Love

AKO

BUHAY

CAMP SAMPAGUITA

DEAR JHUN

DR. LOVE

ERNESTO A

JHUN PUTONG

KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with