^

Dr. Love

'Pangit' may gusto sa guwapo

-

Dear Dr. Love,

Kumusta ka? Matagal ko nang gustong sumulat sa iyo pero nauunahan ako ng hiya. Baka mabasa ng mga kakilala ko ang sulat ko dahil nakakahiya ang aking problema.

Tawagin mo na lang akong Lagring. Hindi iyan ang tunay kong pangalan para wala nang maka­kilala sa akin.

Umiibig ako sa isang co-worker ko. Guwapo siya at mabait.

Kaso, pangit ako. May bingot ako sa labi at kung magsalita ako ay medyo ngongo. Mabait na­man siya sa akin at parang hindi pina­pansin ang kapintasan ko.

Minsan nga ay tinutukso siya ng mga kasamahan namin sa trabaho sa akin. Pero alam ko na­­mang talagang gentleman lang siya at mabait at wala siyang kursunada sa akin. Sino ba naman ang magkaka-interes sa isang katulad ko?

Kaso, talagang in-love ako sa kanya at hindi na ako mapag­katulog tuwing gabi sa kaiisip sa kanya. Minsan ay gusto ko na siyang pagtapatan kahit sa sulat man lang.

Maloloka yata ako kapag hindi ako nakapag-propose sa kanya. Ngunit ang ikinatatakot ko ay baka pagtawanan niya ako.

Ano’ng gagawin ko?

Lagring

Dear Lagring,

Nauunawaan ko ang dam­damin mo pero isa kang babae. Ang babae ay nililigawan at hindi nanliligaw.

Kaya huwag mong gagawing magparamdam man lang sa kanya dahil lalabas kang mumu­rahing babae. Kahit ganyan ang anyo mo, dapat mong pahala­gahan ang kagandahang asal at kahinhinan.

Salat ka man sa gandang pi­sikal, panatilihin mo ang kagan­dahan ng ugali na hindi mawa­wala kailanman. Ang gandang panla­bas ay nawawala paglipas ng panahon pero ang busilak na puso ay mana­natiling busilak mag­pakailanman.

Kung nagpapakita ng kaba­itan sa iyo ang lalaking crush mo, maging mabait ka rin sa kanya at sikapin mong maging good friends kayo. Ano’ng malay mo, baka du­mating ang araw na mahulog din ang loob niya sa iyo at ikaw ay ligawan?

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR LAGRING

DR. LOVE

GUWAPO

KASO

LAGRING

MINSAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with