^

Dr. Love

Sakripisyo ng isang biyuda

-

Dear Dr. Love,

A pleasant greetings to you my favorite love adviser, Dr. Love.

Noong araw,   maligaya ako’t walang problema. Hindi mo naitatanong, matandang dalaga ako. Tawagin mo na lang akong Ceferina. Umabot ako sa edad na 43 nang single dahil lubha akong abala sa pagpapaaral sa aking dalawang pamangkin. Ulila na kasi sila at ako lang ang puwedeng uma­ruga sa kanila. Bata pa lang sila   nang mamatay sa aksidente ang kanilang mga magulang.

Ngayon ay magtatapos na sa college ang isa at ang isa’y sa susunod na taon pa magtatapos. Nagkaroon ako ng problema nang ligawan ako ng isang biyudo. Sinagot ko siya. For the first time after so many years ay umibig ako muli.

Ang problema’y tutol ang aking mga pa­mangkin. Natatakot silang may makaagaw sa aking atensiyon. Tiniyak ko naman sa kanila na hindi ko sila pababayaan pero hindi ko sila ma­kumbinsi. Ano ang gagawin ko? Makipag-break na kaya ako sa aking boyfriend?

Ceferina

Dear Ceferina,

You are entitled to your pursuit of happiness at iyan ay dapat maunawaan ng iyong mga pamang­kin. Halos buong buhay mo ay ginugol mo para sa kanila. Ngayong magtatapos na sila pareho’y hindi nila dapat ipagkait ang ikaliligaya mo.

Kausapin mo silang mabuti at iyan ang ipa­unawa mo sa kanila. Naniniwala ako na maiin­tin­dihan nila ang lahat kung ipaliliwanag mong mabuti.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

BATA

CEFERINA

DEAR CEFERINA

DR. LOVE

KAUSAPIN

MAKIPAG

NAGKAROON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with