^

Dr. Love

Nahuhulog ang loob sa hipag

-

Dear Dr. Love,

Isang magandang araw ang pag­bati ko sa iyo at sa lahat ng mga regular na sumusubaybay sa iyong popular na kolum. May limang taon na akong avid reader ng Pilipino Star NGAYON at gusto kong malaman mo na paborito kong basahin ang iyong kolum.

Napakaraming gintong aral at gabay mula sa mga payo ang naku­kuha ko kaya naman lagi ko itong binabasa araw-araw.

Hindi ko sukat akalain na isang araw, heto ako at humihingi rin ng iyong payo.

Ikubli mo na lang ako sa panga­lang Rigor, 28-anyos at binata pa. For the first time in my life, isang pambi­hirang pangyayari ang naga­nap sa akin. Sasabihin ko na nang tapa­tan na umiibig ako sa aking hipag na asawa ng nakababata kong kapatid.

Isang drug addict ang aking ka­patid at labas-masok sa piitan dahil napapa-trouble lagi. Kalbaryo ang dulot niya sa kanyang asawa at hindi na siya nakukuha sa pangaral.

Madalas, ako ang hingahan ng sama ng loob ng aking hipag na lagi pang sinasaktan ng utol ko. Awang-awa na ako sa aking sister-in-law at sa pakiramdam ko’y hindi lang awa kundi pagmamahal na ang nada­rama ko sa kanya.

Hindi tama ang nadarama kong ito at iyan ay alam ko. Pero ako ang laging takbuhan ng hipag ko at hindi ako makaiwas. Tama bang magpa­kalayo ako para hindi kami mahulog sa tukso?

Rigor

 

Dear Rigor,

Ang maaari mong gawin ay iwasan mong magkasarilinan kayo ng iyong hipag bagama’t ang turing lang niya marahil sa iyo ay isang nakatatandang kapatid na dapat dulugan sa harap ng kanyang ma­tin­­ding problema.

Kung lumalapit siya sa iyo, sigu­ruhin mong may iba kang kasam­bahay at huwag kayo lamang dahil posibleng mahulog kayo sa tukso at lalong lulubha ang problema sa inyong pamilya.

Mahirap kasi kung tuluyan kang lalayo dahil may problema ang ka­patid mo na dapat lutasin at kasama ka sa paglutas ng problema.

Ang kapatid mong adik ay ka­dugo mo pa rin ano pa man siya at ang ma­gandang gawin ay ipasok siya sa rehabilitation center upang ma­tanggal ang kanyang bisyo. Kung buhay pa ang iyong mga magulang ay pananagutan nila iyan.

Kung hindi naman, tungkulin mo iyan bilang kuya. Kung may iba ka pang mga kapatid at kaanak, pagtu­lungan ninyong ituwid ang landas ng inyong kapatid na nalili­gaw ng landas.

Dr. Love

AKO

AWANG

DEAR RIGOR

DR. LOVE

IKUBLI

ISANG

KALBARYO

PILIPINO STAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with