^

Dr. Love

Wala nang gana sa sex

-

Dear Dr. Love,

Bayaan mo muna akong bumati sa iyo at gayun na rin sa lahat din ng mga regular na sumusubaybay ng iyong kolum.

Kung maaari ay ikubli mo ako sa alias na Brenda, may asawa at nagpapasan ng mabigat na suliranin tungkol sa aking asawa. Dalawa ang anak ko sa aking asawa sa loob ng apat na taong pagsasama namin.

Ngunit may napapansin akong pagbabago sa aming most intimate moment. Nawawalan na siya ng gana sa pagtatalik.

Nahahalata ko kung minsan na parang napipilitan lang siya. Hindi na siya kasing-init tulad noon at hirap na hirap siyang makaraos. Kapag nangyayari ito, nag-aalburoto siya at ang dapat sana’y romansa namin ay nauuwi sa pag-aaway kung minsan.

Kung ako lang ay walang problema. Hindi naman ako palahanap. Pero alam ko kasi kung gaano kahalaga ang kakayahan ng lalaki sa sex para ma-boost ang kanyang ego.

Ano kaya ang problema niya? Malulutas pa ba ito?

Brenda

Dear Brenda,

Ang isang common cause ng pagkawala ng gana ng lalaki ay diabetes. Naaapektuhan kasi ng sakit na ito ang sirkulasyon ng dugo kaya posibleng manlupaypay ang lalaki sa panahon ng pagtatalik.

Ang pinakamabuti mong magagawa ay ipakonsulta sa doktor ang nararamdamang sintomas ng iyong asawa at baka maaaring maagapan pa.

Mahalagang maagapan ang sakit ng iyong mister dahil isang “killer disease” ang diabetes na puwedeng sumira sa mga vital organs ng isang tao kung hindi makokontrol.

Dr. Love

ANO

BAYAAN

BRENDA

DALAWA

DEAR BRENDA

DR. LOVE

KAPAG

KUNG

MAHALAGANG

MALULUTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with