^

Dr. Love

Inaming pagkakasala

-

Dear Dr. Love,

Ako po si Billy Boy Deasis Frias, 31 years-old, tubong Bicol, nakapiit sa Medium Security Compound ng Camp Sampaguita dahil sa salang homicide kaugnay ng bintang na pagpatay. Dahil sa bintang na walang katotohanan, ako po ay nahatulang mabilanggo ng mula walo hanggang 14 taon.

Noong   2007, pinalad akong mapasok bilang seaman. Minsan, ang barkong sinasakyan ko ay humimpil sa Japan na tumagal ng isang buwan. Dito ay nakilala ko ang isang babae na nakapagpatibok sa aking puso.

Pero tutol ang mga magulang ni Mara sa aming pag-iibigan dahil nakaririwasa sila sa buhay. Sapilitang inilayo sa akin si Mara. Masakit ito. Parang hindi ko kayang dalhin kaya nagbakasyon muna sa aming probinsiya.

Lumuwas ako ng Maynila para maghanap ng trabaho upang makatulong sa aking pamilya. Napasok naman ako sa isang tindahan ng hot dog.

Isang araw, naglalakad ako papuntang trabaho nang may makita akong lalaking duguan sa iskinita. Humihingi ito ng tulong na dalhin ko raw siya sa pagamutan. Kinandong ko muna siya para alamin ang kanyang kalagayan. Pero habang kalong ko siya, dito siya nalagutan ng hininga.

Tamang-tama naman na may dumaang pulis at pagkaraan ng ilang pagtatanong, inaresto ako sa salang pagpaslang.

Hindi nila pinakinggan ang matwid ko. Ako na ang pinagbintangang may kinalaman sa pagkamatay ng lalaki.

Dahil wala man lang akong testigo, masakit man sa loob ko, inamin ko na lang ang bintang na pagpatay para gumaan ang hatol sa akin. Pero alam po ng Panginoon na wala akong kasalanan.

Sana po, mailathala ninyo ang liham kong ito at sana, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat. Matulungan din sana ninyo ako na makatagpo ng babaeng mamahalin at magmamahal din sa akin at ganap na uunawa sa aking kalagayan.

Maraming-maraming salamat po.

 

Gumagalang,

Billy Boy Deasis Frias

Bldg. 2 Dorm 218,

MSC, Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Billy,

Ikaw ba ay nagkaroon ng abogado sa pagdedepensa sa kaso mo?

Kung talagang wala kang pagkakasala, bakit mo inamin na ikaw ang pumatay?

Anyways, nandiyan na iyan at parang hindi mo naman pinagsisisihan ang ginawa mo. Ano ang sabi ng abogado mo? Mayroon pa bang pagkakataong mabawi mo ang pag-amin mo ng pagkakasala?

May itinakdang panahon para sa pag-apela ng kasong natapos nang litisin pagkaraang maibaba ang sentensiya. Maaaring nakalampas na ang panahong yaon sa kaso mo.

Masakit naman ang pangyayaring ito. Ikaw na nahabag sa isang biktima ang siyang napagbintangang may sala.

Anyways, wala tayo sa posisyon para magpayo sa iyo ng bagay na legal. Hanggang dito na lang ang masasabi ko, matangi lang kung mayroon kang bagong ebidensiya na maihaharap para mapasinungalingan ang bintang sa iyo.

Dr. Love

AKO

BILLY BOY DEASIS FRIAS

CAMP SAMPAGUITA

DAHIL

DEAR BILLY

DR. LOVE

IKAW

MASAKIT

MEDIUM SECURITY COMPOUND

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with