^

Dr. Love

Inferiority complex

-

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo. Tawagin mo na lang akong Ricarte, 47-anyos, isang kar­pintero at sampung taon nang biyudo.

Kahit sa palagay ko ay hindi pa ako mas­yadong matanda, sa tingin ng iba ay matan­dang-matanda na ako. Kasi naman, tala­gang batak sa trabaho ang katawan ko. Medyo nakakalbo na kasi ako at yung natitirang buhok ko ay puting-puti na.

Paiba-iba ako ng destino. Kung saan may construction project ay naroroon ako. Iba-ibang babae rin ang nakikilala ko. Mga batambata at hindi maiwasang tumibok ang aking puso.

Kaso, ang tawag sa akin kadalasan ng mga babaeng ito ay lolo. Gusto kong dumis­karte, hindi ko magawa dahil baka pagta­wanan ako.

Kapag nag-aayos naman ako ng mo­derno, parang pakiramdam ko ay pinag­tata­wanan din ako dahil “nagmumurang kamatis” daw ako.

Ano kaya ang gagawin ko para mabura ang impresyon sa akin na isang lolo?

Ricarte

 

Dear Ricarte,

Kung ganyan na ang itsura mo, wala na tayong magagawa kundi magpunta ka kay Dr. Viki Belo para magparetoke ng mukha na tiyak kong hindi naman kakayanin ng bulsa mo.

Pero sa palagay ko’y inferiority complex lang ang umiiral sa iyo. Nauunahan ka ng hiya porke’t tinatawag kang lolo.

Napakaraming mas matanda pa sa iyo pero nakakabingwit ng bata at maganda. Nasa diskarte iyan ika nga.

Subukan mo muna bago mo husgahan ang sarili mo.

Dr. Love

AKO

ANO

DEAR RICARTE

DR. LOVE

DR. VIKI BELO

KAHIT

KAPAG

KASI

RICARTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with