Mr. Perfect?

Dear Dr. Love,

As I write this letter, this is the first week that I have been reading Pilipino Star NGAYON at ang naka-attract sa akin ay ang iyong kolum.

Tawagin mo na lang akong Myrah, 26-anyos at dalaga pa.

Ang problema ko ay ang tungkol sa tatlo kong manliligaw. All of them have been courting me for at least four months pero wala pa akong sinasagot sa kanila.

Dati na akong nagka-boyfriend at mayroon akong sad experience. Nag-break kami dahil mayroon akong hindi nagustuhan sa kanya. Sunud-sunuran siya sa kanyang nanay. Mama’s boy, in other words. Kahit nagdi-date kami, kapag tinext ng kanyang Mommy niya ay madaliang umuuwi.

Ganyan kasi ako. Kahit gusto ko ang lalaki, kapag may nasilip akong hindi magandang kata­ngian ay turn-off agad ako.

Sa tatlo kong manliligaw, pare-pareho silang guwaping, gentlemen at mabait. Wika nga, walang itulak-kabigin. Kung puwede nga lang sagutin ko sila lahat ay ginawa ko na sana. Pero I know na isa lang ang dapat kong piliin.

Can you help me in making the right choice?

Myrah

 

Dear Myrah,

Walang ibang makatutulong sa iyo para piliin ang tamang lalaki kundi ikaw. Marahil, sa tinagal-tagal ng panliligaw nila sa iyo ay nakilatis mo na more or less ang kanilang ugali. Ikaw lang ang pu­we­deng pumili dahil ikaw ang higit na naka­kakilala sa kanila.

Pero heto ang isang word of advice. Walang taong perpekto. Baka ang hinahanap mo ay si Mr. Perfect, wala kang makikitang ganyan.

Lahat ng tao ay may kapintasan katulad ng na­una mong siyota na inayawan mo dahil Mama’s boy, ika mo. Kung iisipin mo, baka ang kanyang pagi­­ging masunurin sa ina ay isang positibong kata­ngian. Baka dahil diyan ay magiging responsible siyang asawa.

Ang relasyon ay ugnayan ng dalawang imperfect individuals at dahil sa pag-ibig sa isa’t isa ay pinupunuan ang kanilang kapintasan. Ganyan tayong nilikha ng Panginoong Diyos.

Dr. Love

Show comments