^

Dr. Love

Hindi ako ang pumatay sa kaibigan ko

-

Dear Dr. Love,

Isa po akong driver ng isang pribadong paaralan nang maganap ang isang hindi inaasahang pangyayari sa aking buhay.

Isang araw noon, habang ako’y nagpapahinga sa aming bahay, bigla akong naalimpungatan sa tawag ng aking kapatid na babae.

Hangos akong bumaba ng bahay at sinabi ng aking kapatid na nanggugulo ang aking matalik na kaibigan.

Pinuntahan ko ang inihimatong na lugar na kinaroroonan ng aking kaibigan para awatin siya sa kanyang pagwawala.

Sinikap kong kausapin siya at pilit na tinatanong kung ano ang dahilan ng kanyang panggugulo. Pero nawalan ng kabuluhan ang aking pakiusap.

Nagkainitan ang aming pagtatalo. Nagpasya akong iwanan na siya nang mapansin kong walang patutunguhan ang aming pag-uusap.

Hindi ko sukat akalain na sinundan pala niya ako at inundayan ng mga suntok.

Dahil sa kabiglaanan, gumanti ako ng suntok at hindi nagtagal ang aming pagbubuno at umuwi na ako sa aming bahay para ipagpatuloy ang naantalang pamamahinga.

Mababaw pa lang ang aking tulog nang muli akong magising dahil sa kaguluhang nadinig sa ibaba ng aming bahay.

Bumaba ako at bigla akong natulala nang makita ko ang aking kaibigan na nakahandusay at wala nang buhay.

Maya-maya, dumating ang mga magulang at kapatid ng aking kaibigan, nagsisipag-iyakan sila at ipinagsisigawan na ako ang siyang pumatay sa kanilang anak.

Ipinadampot nila ako sa pulis at wala kong nagawa para idepensa ang sarili sa akusasyong ito.

Pansamantala akong ikinulong sa presinto. Dahil sa maimpluwensiya ang kanilang pamilya, lahat ng pagsisikap ko na maipagtanggol ang sarili ay nabigo.

Dahil sa kawalan ng sapat na salapi, hindi ako nakakuha ng mahusay na abogado kaya nahatulan akong makulong nang mula walo hanggang 14 taon.

Nalipat na ako sa pambansang bilangguan.

Nagpasya ako na ipagpatuloy ang aking pag-aaral para hindi masayang ang aking panahon dito sa piitan.

Ang sabi ko sa sarili ko, magagamit ko ang pinag-aralan sa sandaling lumaya na ako at muling maibangon ang aking nasirang pangalan.

Sana rin po, sa pamamagitan ng inyong column, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.

Hanggang dito na lang po at maraming salamat sa inyong pagbibigay-daan sa liham kong ito.

Lubos na nagpapasalamat,

Salvador S. Tapuic, Jr.,

4-D Student Dorm, YRC Bldg.,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

 

Dear Salvador,

Sa kabila ng mahigpit mong pagtutol sa bintang na ikaw ang pumaslang sa iyong kaibigan, sa tema ng liham mo, tila natanggap mo na ang naging hatol sa iyo.

Natalo ka sa kaso at wala ka nang magagawa para idepensa ang sarili mo.

Praktikal ka lang. Bagaman wala ka kamong sala, minabuti mo na lang na padala sa agos ng buhay at pinagyayaman mo na lang ang iyong kaalaman para paglaya mo, may alternatibo kang puhunan sa pagbabagong-buhay.

Pero huwag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay at sa sistema ng ating hudikatura. Kung talagang wala kang sala, sa kalaunan ay lilitaw din ang katotohanan. Kaya nga lang, magtatagal pa bago talagang lumabas ang totoo.

Huwag kang padadala sa init ng ulo at sa simbuho ng paghihiganti.

Pagbutihin mo ang rehabilitasyon at pagpapakatatag para sa sandaling makalaya ka na, madudugtungan mo pa ang naputol mong pagsisikap para makatulong sa iyong pamilya.

Hangad ng pitak na ito na makatagpo ka ng maraming mabubuting kaibigan.

Dr. Love

AKING

AKO

AKONG

CAMP SAMPAGUITA

D STUDENT DORM

DAHIL

DEAR SALVADOR

DR. LOVE

KAIBIGAN

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with