^

Dr. Love

May asawa na pala

-

Dear Dr. Love,

A very wonderful day to you, Dr. Love. Sana’y maging tunay na masagana ang pagpasok ng bagong taon sa iyo. Kumusta?

Noon pa man ay gusto ko nang sumulat sa iyo pero naging abala ako sa mga gawain ko sa opisina.

Ako nga pala si Cris, isang bank teller. Hindi buo ang aking araw kapag hindi ko nabasa ang Pilipino Star NGAYON lalo na ang kolum na Dr. Love.

Ang problema ko ay tungkol sa babaeng itinitibok ng aking puso. Kasama ko siyang teller sa bankong pinaglilingkuran ko.

Bago lang siya. Siguro’y limang buwan ko pa lang siyang katrabaho.  

Mabait siya at maganda. Ang pagkakilala ko sa kanya ay isang dalaga. At talaga namang ma­pag­kakamalang dalaga dahil batambata ang hitsura niya at tila wala pang muwang sa pag-ibig.

Yun pala, isang buwan pa lang silang nagsama ng mister niya ay nagpunta na ito sa Amerika dahil American citizen.

Ipinagtapat niya ito sa akin nang ligawan ko siya. Sabi niya, under process na ang kanyang petisyon para sumunod sa Amerika.

Napakasakit tanggapin, Dr. Love.

Katabi ko pa siya sa aking pagtatrabaho at hindi tuloy ako makapag-concentrate sa gina­gawa ko.

Ano ang dapat kong gawin?

Cris

 

Dear Cris,

Matuto kang harapin ang katotohanan. Oo nga’t mahal mo siya pero hindi na pala siya malaya.

Ipag­palagay mo nang magkaroon ka ng relas­yon sa kanya, hindi legal iyan sa mata ng tao at Diyos. Baka lumabas ka pang tagawasak ng relas­yong magigiba kapag nagkaroon ka ng ugnayan sa kanya.

Masakit mang tanggapin, ano pa ang maga­gawa mo kundi limutin ang damdamin mo sa kanya at humanap ng ibang maliligawan. Siguro, sasa­bihin mong easier said than done pero you have to do it.

Just stop pursuing her dahil baka pati siya ay ibinubulid mo sa tukso na maging unfaithful sa kanyang kabiyak.

Tiyak ko na maraming babae riyan na ma­ganda at mabait at magiging ulirang asawa. Kaunting pasensiya lang at naniniwala akong matatagpuan mo rin siya.

Dr. Love

AMERIKA

ANO

DEAR CRIS

DIYOS

DR. LOVE

PILIPINO STAR

SHY

SIGURO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with