^

Dr. Love

Akala ko, tapat siya sa akin

-

Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang araw sa inyo at sa lahat na bumubuo ng mala­ganap nin­yong pahayagan, ang Pilipino Star NGAYON.

Tawagin mo na lang po ako sa pangalang Hanz. Isinilang ako sa Gen. Trias, Cavite. Doon ako lumaki at pagkalipas ng maraming taon ay natutong bumarkada at magbisyo. Simple lang ang aming pamumuhay.

Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Pebrero 2006 nang ako ay yayain ng aking mga kaibigan na pu­munta sa Samar.

Atubili sana akong sumama dahil wala naman akong kamag-anakan   ni mga kakilala roon. Pero dahil sa pami­milit ng aking mga kaibigan, napa­hinuhod ako.

Doon ay may nakilala akong babae na si Jessa Fernandez na nag­patibok sa aking puso. Mabait siya, maganda at malambing. Hindi ko ina­asahan na ang kabaitan pala niya ay may naka­tagong balatkayo na siyang magsa­sadlak sa akin dito sa madilim na bilangguan.

Habang nasa Samar ako, nag­karoon ako doon ng trabaho bilang pahinante. Masaya naman ako kahit malayo sa aking pamilya. Ang dahilan ay napalapit ako kay Jessa na labis kong minahal.

Mayo 21, 2007 nang mangyari ang krimen na hindi ko inaasahan.

Gabi noon, galing ako sa trabaho. Hinanap ko si Jessa sa kanyang kapatid at itinurong nasa bahay daw. Kaagad akong nakarating sa kanilang tahanan na ilang dipa lang ang layo sa kinakitaan ko sa kanyang kapatid.

Sa hindi ko malamang dahilan, kina­kabahan ako noon. Hindi nga ako nag­kamali. Nang ako’y pumasok sa kani­lang tahanan, nabigla ako sa aking nakita na hubo’t hubod si Jessa at may kasamang isang lalaki at nag­papasasa sa kanyang katawan.

Umakyat agad ang aking dugo sa buo kong katawan. Hindi ako nag­dala­wang-isip. Ako’y nagtungo sa kusina at kumuha ng itak at agad ko silang bina­likan at pinagsasaksak ang lalaki hang­gang sa mapatay.

Si Jessa naman ay parang tulala sa bilis ng mga pangyayari. May mga taong nakapansin sa pangyayari. Kaagad silang tumawag ng pulis at ako’y inaresto at dinala sa piitan.

Sa ginawang imbestigasyon, ina­min ko na ako ang sumaksak sa na­matay na lalaki. Idinahilan ko na na­gawa ko ang krimen sa labis na pagmamahal ko sa aking kasintahan na ang buong akala ko’y biktima ng panggagahasa. Nag­sisisi ako sa pangyayaring ito at taos-puso kong tinanggap ang aking pagka­kasala.

Lumiham po ako para hingin ang tulong niyo na sana’y magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat upang mapawi ang aking kalungkutan.

Marami po akong kasamahan dito sa loob na tulad ko na nawalan ng pa­­milya, iniwan ng asawa, kasin­tahan at iba pang mahal sa buhay mula nang mapasok sa bilangguan.

Ngayon po, bagaman malayo ako sa pamilya, masaya na rin ako. Abala po ako sa aking pagiging miyembro ng choir ng simbahang Katoliko at dahil sa pagiging abala sa gawain ay dito ko nararamdaman ang kapaya­paan ng kalooban.

Maraming salamat po at dalangin ko na sana isang araw ay makatagpo rin ako ng babaeng magmamahal sa akin nang tapat.

Hanggang dito na lang po at sa­na’y lumawig pa ang pahina nin­yong ito dahil marami kayong natu­tulu­ngang tulad ko.

Gumagalang,

Hanz Landicho

Dorm 235, MSC,

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Hanz,

Talagang ang mga taong padalus-dalos umaksiyon at hindi iniisip ang gi­na­gawa ay nakakagawa ng mga ka­biglaanan na pagsisihan sa da­kong huli matapos mapag-isipan ang naging resulta ng pabara-barang hakbang.

Sa pag-aakalang biktima ng rape, mabilis ang iyong naging pasya at hindi inisip ang konsekuwensiya.

Mabuti naman at natanggap mo ang iyong kamalian. Isang pagkaka­mali na pagdurusahan mo nang ma­tagal sa kulu­ngan sa pag-aakalang idi­nepensa mo ang puri ng iyong kasintahan.

Pero dahil buhay ang iyong inu­tang, may katugong parusa ang batas.

Sikapin mong lubos na mapag­sisihan ang pag-utang sa isang buhay. Mauunawaan ka ng Pangi­noon dahil labis kang nagtitika sa na­gawa mong pagkakamali.

Dalangin din ng pitak na ito na makatagpo ka ng babaeng iibigin ka nang tapat.

Dr. Love

AKING

AKO

DEAR HANZ

DR. LOVE

HANZ LANDICHO

JESSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with