^

Dr. Love

Single parent ang girlfriend

-

Dearest Dr. Love,

Greetings! Sana ay maging punumpuno ng biyaya para sa iyo at sa iyong pamilya ang darating na New Year.

Tawagin mo na lang akong Joemar. Treinta-anyos na ako sa darating na February at single pa rin.

Mayroon ang girlfriend. Isa siyang accountant. The problem is isa siyang single parent. Nagkaroon na siya ng ka-live-in at may isang anak.

May asawa ang ama ng kanyang anak at may visitation rights ito kaya paminsan-minsan ay nagkikita pa sila. Kinausap ko na ang girlfriend ko na kung maaari’y iwasan na niya ang pakikipagtagpo sa ex niya. Sabi niya, wala na raw sa kanya iyon pero may karapatan ang lalaki na dalawin ang kanyang anak dahil siya pa rin ang sumusustento sa bata.

Pero parang dinudurog ang puso ko kapag nagtatagpo sila. Ayaw naman niyang ibigay nang lubusan ang kanyang anak sa lalaki. Ano ang gagawin ko?

Joemar

Dear Joemar,

Nang ligawan mo siya, alam mo na siguro ang situwasyon. Tinanggap mo siya sa kabila ng lahat kaya wala kang karapatang bawalan siyang makipagtagpo sa ama ng kanyang anak.

Malaking problema talaga iyan sa inyong relasyon. If you can’t live with it, mas makabubuting makipag-break ka na lang sa kanya sa halip na maging habambuhay na selosan ang mangyayari sa inyong pagsasama.

Dr. Love

ANO

AYAW

DEAR JOEMAR

DR. LOVE

ISA

JOEMAR

KINAUSAP

MALAKING

MAYROON

NEW YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with