Malamig sa sex

Dear Dr. Love,

Wala na akong malapitan sa problemang taglay ko kundi ikaw, Dr. Love. My problem is very personal kaya hindi ko na sasabihin ang buo kong pangalan.

My name is Emma, 39-anyos at may asawa’t isang anak. Isa lamang akong plain housewife although nagtapos ako ng Accounting. Ang tanging gawain ko ay mag-asikaso sa bahay namin dahil wala kaming maid.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Matapos ang 15 taong pagsasama naming mag-asawa ay parang nanlalamig ako sa kanya sa aming pagtatalik.

Wala akong maramdamang init at pagkatapos ng aming pagtatalik ay hindi ako satisfied. Pilitin ko man siyang magniig kaming muli, wala pa rin akong thrill o arousal na nadarama.

Ang problema ko ay naghahanap pa rin ako ng sex but the problem is, hindi ako ma-satisfy ng asawa ko.

Kung minsan ay natutukso akong makipagrelasyon sa iba. Kahit one night stand lang pero napipigilan ako ng aking religious belief. Alam kong kasalanan ito.

Hindi naman ako ganito noong araw. Nagsimula lamang ito nang tumuntong ako sa ganitong edad. Abnormal ba ako, Dr. Love? May lunas ba ang aking problema?

Emma

Dear Emma,

Marahil, ang kailangan ninyong mag-asawa ay sex therapist. Usually, kaakibat ang ganyang sintomas ng menopausal stage ng babae.

At tama ka. Kung natutukso kang makipagniig sa iba, supilin mo ang iyong damdamin at manalangin. Ang pananampalataya sa Diyos ang mabisang panlaban sa ano mang tukso.

Sa iba’t ibang babae, iba-iba rin ang sintomas ng pagiging menopause. Baka naman masyado kang pagod sa mga gawaing bahay? Kung gayon, kailangan mo siguro ng pamamahinga. Mamasyal kayong mag-asawa. Wika nga, mag-second honeymoon. Baka iyan ay makalutas sa tinataglay mong problema.

Dr. Love

Show comments