^

Dr. Love

Nangungulila

-

Dear Dr. Love,

Magpapasko na naman at pangatlong Pasko ito na hindi ko kapiling ang aking asawa’t dalawang anak. Tawagin mo na lang akong Ruel.

Three years ago, nahumaling ako sa ibang babae. Iniwanan ko ang aking pamilya para sumama sa babaeng ito.

Mula sa Davao, nanirahan kami ng aking kalaguyo sa Maynila. Nakakita naman ako ng trabaho sa Maynila bilang cook. Hindi mo naitatanong, mahusay akong magluto at nag-aral ng culinary arts.

Pero matapos ang mahigit sa dalawang taon naming pagsasama, iniwanan din ako ng babaeng ito. Sumama siya sa ibang lalaki.

Ipinadama sa akin ng Diyos kung gaano kasakit ang layuan ng mahal sa buhay.

Pinagsisihan kong lahat ang aking ginawa. Gusto ko sanang balikan ang aking mag-anak sa Davao pero may agam-agam ako. Baka hindi na nila ako tanggapin matapos ang ginawa ko sa kanila. Matindi ang aking pangungulila ngayon. Sa tuwing sasapit ang gabi, hindi ako dalawin ng antok dahil sinusurot ako ng aking budhi.

Nangangamba rin ako na baka may iba nang kinakasama ang misis ko. Ano ang dapat kong gawin?

Ruel

Dear Ruel,

Ang pagdurusa mo ngayo’y bunga ng sarili mong pagkakamali. Ngayong nagsisisi ka na, paano mong malalamang pinatawad ka na ng nilayasan mong pamilya kung hindi ka babalik sa kanila?

Subukan mo silang balikan at humingi ka ng tawad. Kung hindi ka patawarin ng misis mo, nauunawaan ko siya dahil masakit ang ginawa mo sa kanya.

Magsimula ka sa square one. Ligawan mo at suyuin mo siyang muli. Kung patatawarin ka pa niya, panahon lang ang makapagsasabi.

Dr. Love

AKING

AKO

ANO

DAVAO

DEAR RUEL

DIYOS

DR. LOVE

MAYNILA

RUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with