Mixed emotions

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako sa inyo Dr. Love, sampu ng mga masusugid mong tagasubaybay. Sana po ay nasa mabuti kayong kalusugan sa pagtanggap ninyo ng aking sulat.

Sana ay matulungan mo ako sa problema kong tinataglay.

Tawagin mo na lang akong Loyd, isang member ng third sex.

Alam kong hindi katanggap-tanggap sa Diyos ang pakikipagrelasyon ng lalaki sa kapwa lalaki. Nagbabasa po ako ng Bible at isa ito sa ipinagbabawal ng Salita ng Diyos.

Kaso, ito po talaga ang nadaramdaman ko. Hindi ako nagkakagusto sa babae kundi sa lalaki.

My situation is so agonizing. I’m torn between my deep religious faith and my being a gay.

So far, nakokontrol ko naman ang feelings ko basta’t nagme-meditate ako sa Word of God.

Kaya lang, I feel guilty when I’m obsessed by my feelings of having sex with another man.

Ano ang dapat kong gawin para mawala ang ganitong damdamin?

Minsan na po akong nagkarelasyon sa lalaki pero tumalikod na ako sa ganyang gawain nang lumalim ang pagkakilala ko sa Diyos sa pagbubulay ng kanyang Salita.

Loyd

Dear Loyd,

Maraming katulad mo ang nabago ng Salita ng Diyos. Mga celebrities pa na dating practicing homosexuals na ngayo’y marubdob na naglilingkod sa Diyos.

Perhaps their life stories can inspire you para maging matatag sa iyong pananampalataya.

Bakla man o tunay na lalaki, tomboy o tunay na babae ay may kani-kaniyang pagsubok na dinaranas. Mga tuksong gumigiyagis sa kanila pero by God’s grace ay kanilang napaglalabanan. Tandaan mo, hindi ka bibigyan ng Diyos ng krus na hindi mo makakayanang pasanin.

Dahil sa pag-ibig natin sa Diyos, walang ano mang tukso ang makapananaig sa ating buhay.

Continue meditating on the Word of God at iyan ang magiging kalakasan mo. Huwag ka ring makalilimot manalangin upang gabayan ka palagi at bigyang Lakas ng Holy Spirit.

Dr. Love

Show comments