^

Dr. Love

Abandonado

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng in­yong malaganap na pahayagan.

Ang dalangin ko po, sana’y nasa mabuti kayong kalusugan at kala­gayan sa buhay sa lahat ng sandali, sampu ng inyong mga mahal sa buhay.

Sumulat po ako sa inyo para ma­ibahagi ang aking mapait na kara­nasan sa buhay.

Mapait at ma­lungkot na tang­gapin ang katoto­hanan na dahil tatlong taon na akong nakakulong dito sa pamban­sang piitan sa Mun­tinlupa, inaban­dona na ako ng aking asawa. Kung saan siya napadpad ay hindi ko alam.

Nangungulila na ako sa pagma­mahal at sa nag-iisa kong anak na matagal ko nang hindi nakikita. Sabay silang naglaho ng aking asawa.

Dati po akong security guard sa Maynila. Pero dahil sa isang insi­dente na hindi ko naiwasan sa aking serbisyo, ako po ay nakabaril at nakapatay ng tao.

Nahatulan po ako ng mababang hukuman at nakulong dito. Malung­kot ang nangyari sa buhay ko. Na­wala ang lahat-lahat sa akin, mga kamag-anak, mga kaibigan at lalo na ang aking pamilya.

Ni isa ay wala man lang nakaala­lang bumisita sa akin dito sa kulu­ngan. Wala man lang marunong mag­­­malasakit sa aking kapakanan.

Ako po kasi ay tubong Maybay, Leyte at kaya lang napadpad sa May­nila ay para magtrabaho at mag­karoon ng magandang buhay.

Nguni’t nawalan ng saysay ang pagsisikap ko dahil sa sinamang palad akong makulong sa pagkaka­salang hindi ko sinasadya.

Alam kong kayo lang ang pu­wedeng dumamay sa akin para gu­maan naman ang aking kalooban.

Nais kong magkaroon ng mga bagong kaibigan sa panulat na siyang makapagbibigay sa akin ng panibagong pag-asa sa buhay.

Sana po, kayo at ang inyong pitak ang maging daan para matu­pad ko ang pangarap na magka­roon ng mga kaibigan sa panulat.

Maraming salamat po at sana ang pagpapala ng ating Poong May­kapal ay laging sumainyo.

Gumagalang,

Bro. Jaime Quintana

4th Year Student Dorm Bldg. 4,

M.S.C., Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Bro. Jaime,

Salamat sa liham mo at nauuna­waan ko ang nararamdaman mong kapaitan sa puso dahil ang paki­ramdam mo, abang-aba ka dahil sa inabandona ka ng iyong asawa at anak.

Sa panahon ngayon na hirap na hirap ang pamumuhay, ang pag­luwas sa Luzon mula sa Visayas ay hindi madaling gawin lalo na’t wala namang matutuluyang kamag-anak.

Kaya marahil walang bumibisita sa iyo diyan sa piitan ay dahil sa distansiya ng kinaroroonan mo mula sa iyong mga kamag-anakan.

Marahil din, nawalan na ng pag-asa sa buhay ang iyong asawa dahil kung ikaw lang ang inaasahang magkaroon ng ipagtatawid gutom, ngayong nakakulong ka na, wala na siyang ibang maaasahan pang tutulong sa kanya at sa inyong anak.

Marahil, kung may sariling pag­kita ang iyong asawa at hindi lang nakadepende sa iyo, maaaring na­kapagtiis siya sa paghihintay sa iyo.

O baka mahina lang ang tiwala niya sa iyo at ang iniintindi   lang ay ang sarili niyang kapakanan.

Huwag mo nang pag-aksayahan pa ng pag-iisip ang asawa mo. Materyal na bagay lang marahil ang makapagpapaligaya sa kanya.

Ang pagbutihin mo ay kung paano mo mapagsisilbihan nang ma­­­luwag sa kalooban mo ang inihatol na parusa ng korte. 

Magsisi ka nang taos sa kabig­laanang na­gawa dahil kahit sabihin mo mang hindi mo sinasadya ang pagpaslang sa isang tao, buhay pa rin ang inu­tang mo na dapat mong pagdu­sahan. Iyan ang batas na dapat nating irespeto.

Humingi ka ng tawad sa ating Panginoon at ang ganap mong pag­sisisi sa nangyari ang siyang maka­pagpapaluwag sa kargo de konsi­yensiya mo.

Pagbutihin mo rin ang pag-aaral diyan sa loob para mayroon kang ka­handaan sa sandaling lumaya ka na sa dati mong ginagalawang lipunan.

Dr. Love

AKING

BUHAY

DAHIL

DEAR BRO

DR. LOVE

LANG

PAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with