^

Dr. Love

Sandalan ng pamilya

-

Dearest Dr. Love,

Una sa lahat ay nagpupugay ako at bumabati sa iyo at sa mga nagbabasa ng iyong malaganap na kolum. Just call me Flora, 23 years-old at isa lang hamak na factory worker. Mahirap lang kami at ako ang nagtataguyod sa aking mga magulang na matatanda at mahihina na at ang aking dalawang kapatid na ang isa’y 24-anyos at ang isa’y 19-anyos.

Talagang kulang ang kinikita ko bilang factory worker. By contract pa ako at tuwing anim na buwan ay natatanggal sa trabaho at muli na lang pinapipirma ng kontrata.

Mabuti na lang at sa pagsisinop ko ay nagkaroon kami ng maliit na tindahan. Nagtitinda ako ng kung anu-anong grocery items at lugaw. Kumikita naman ako ng P300 labas na ang puhunan.

May boyfriend ako pero kaparis ko rin siyang isang kahig isang tuka.

Sabi niya sa akin ay puwede naming pagtulungan ang aming kabuhayan kung magpapakasal kami. Pero natatakot ako baka lalo akong hindi na maka­tulong sa aking pamilya lalo na kapag nagkaanak na kami.

Ano ang maipapayo mo sa akin?

Flora

 

Dear Flora,

May dahilan ka para matakot mag-asawa lalo pa’t ikaw na lang ang inaasahan ng iyong pamilya.

Pero may karapatan ka rin namang bumuo ng sari­ling pamilya. Hindi mo nasabi kung ang mga ka­patid mo’y nag-aaral o nagtatrabaho o kaya’y uma­asa na lang sa iyo.

Kung pinag-aaral mo sila, talagang mabigat iyan. Pero kung sila’y nakatengga lang maghapon at walang trabaho, unfair na sa iyo iyan.

Kung mahal mo ang iyong kasintahan at mayroon naman siyang plano kung paano kayo mabubuhay, pag-isipan mo ito. Kailangan mo ring planuhin ang kinabukasan mo.

Himukin mo rin ang iyong mga kapatid na nasa edad na magbanat din ng buto at huwag lang umasa sa iyo dahil mayroon ka rin namang sariling buhay na dapat intindihin.

Dr. Love

AKO

ANO

DEAR FLORA

DR. LOVE

HIMUKIN

KAILANGAN

KUMIKITA

KUNG

LANG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with