^

Dr. Love

Problema ni Inday

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa inyo at sana’y tanggapin mo ang sulat kong ito at palaring maitampok sa iyong kolum. Ako po si Inday ng Quezon City, namamasukang katulong sa isang mayamang pamilya rito.Ako ay 41-anyos at dalaga. Kahit may edad na ako, maraming nagsasabi na maganda ako at hindi mukhang katulong.Hindi mo naitatanong, high school lang ang natapos ko pero nagtapos ako na Salutatorian sa aming probinsiya sa Albay. Hindi nga lang ako pinalad makapag-college dahil mahirap lang kami.Nang ako’y matapos ng high school ay nagtungo na ako sa Manila para mamasukan. Nakalimang tahanan akong pinaglingkuran bago ako nagtrabaho sa tahanan ng amo ko ngayon. Isa siyang businessman at may limang taon na akong naglilingkod sa kanya.Kahit siya ay impressed sa aking kakayahan at talino kaya ako ngayon ay mayordoma o governess sa kanilang tahanan. May apat pang katulong na pinamamahalaan ko. Noong 2006, namatay ang kanyang asawa. Ang tatlo nilang anak ay pawang may sari-sariling negosyo na rin.Nanligaw ang amo ko sa akin. Matanda siya ng 15 taon sa akin. Sinagot ko naman siya pero tutol ang kanyang mga anak sa aming relasyon. Sabi niya, walang pakialam ang kanyang mga anak sa kanyang personal na buhay pero parang nahihiya ako sa kanyang mga anak at gusto ko nang umalis sa bahay na ito para iwasan ang lalaking nagpatibok sa puso ko.Ano ang advice mo sa akin?

Inday

Dear Inday,

Kung mahal ka ng amo mo na naging boyfriend mo, kahit humadlang ang kanyang mga anak ay hindi nila masasaklawan ang kanyang karapatan. At sa tingin ko nama’y mahal ka niya.Siguro’y natatakot lang sila na magkaroon ng kahati sa kayamanan ng kanilang ama.Kaya kung mahal mo siya, huwag mong intindihin ang kanyang mga anak. Kung pakakasalan ka niya, go for it at huwag ka nang magpakiyeme pa.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALBAY

ANAK

ANO

DEAR INDAY

DR. LOVE

INDAY

KAHIT

KANYANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with