Nagtaksil sa kasintahan

Dear Dr. Love,

Hi and hello. I hope that you are in the best shape as you get my letter. Sana rin ay mag­ka­palad akong maitampok sa bantog mong kolum.

Tawagin mo na lang akong Lizel. That’s not my true name but I hope you won’t mind it. Beinte-kuwatro anyos na ako at single pa. Nagtatrabaho ako sa isang call center dito sa Ortigas at pang-gabi ang duty ko.

I only take the bus going to my workplace and back to my residence. Sa ginagawa kong ganitong routine ay nakilala ko si Dennis.

 Nagpaalam pa siya kung puwede siyang tumabi sa akin sa upuan. Napansin kong panay ang tingin niya sa akin at nginitian ko siya at doon nagsimula ang pag-uusap namin at kami’y nag­kakilala. Nagtatrabaho rin siya sa isa pang call center di-kalayuan sa pinagta-trabahuhan ko.

Pogi si Dennis at very gentlemanly. Nagkaroon kami ng mutual understanding and before we knew it, we were going on dates. Hanggang sa maibigay ko sa kanya ang aking pagkababae.

My problem is, mayroon akong boyfriend. Kaso, siya’y nag-abroad at nagtatrabaho sa Dubai sa isang hotel. Engaged ako sa lalaking ito at sabi niya, babalik siya after two years para magpakasal kami.

Kay Dennis ko lang naibigay ang aking pag­kababae and I find it unfair kung itutuloy ko pa ang relasyon ko sa boyfriend ko. Ano ang dapat kong gawin?

Lizel

 

Dear Lizel,

Tama ka. Unfair talaga sa isang lalaking nagpa­pakahirap para sa inyong kinabukasan na siya’y iyong pagtaksilan.

Timbangin mo ang iyong damdamin at mamili sa kanilang dalawa. Pero ang tanong, binata ba iyang sinasamahan mo ngayon?

In whatever case, mas mabuti marahil kong ipagtapat mo sa boyfriend mo sa Dubai ang nang­yari para huwag lumabas na niloloko mo siya.

Kung mapapatawad ka niya sa kabila nang mga nangyari, nakahanap ka ng isang “ginto” sa kata­uhan ng isang lalaking tapat kung magmahal sa iyo.

Pero kung sa tingin mo’y hindi mo na mahal ang iyong boyfriend, makabubuting makipagkalas ka na sa kanya.

Dr. Love

Show comments