^

Dr. Love

Pangakong napako

-

Dear Dr. Love,

My warmest greetings to you Sir. I have been a very avid reader of your column and I like it a lot because I find precious lessons from your advice.

Ang pangalan ko ay Donna, 21-anyos. Ang problema ko ay tungkol sa aking live-in partner ngayon. Mayroon na kaming anak sa loob ng mahigit dalawang taong pagsasama. Itinakwil ako ng mga magulang ko nang samahan ko ang lalaking ito. Tatanggapin lang daw nila ako kung hihiwalayan ko siya.

Nung nililigawan pa lang niya ako, ang gaganda ng kanyang mga pangako. Ibibigay niya lahat ang layaw ko at ititira sa magandang bahay. Dahil guwapo siya at mukhang mabait, sinagot ko siya at nagsama kami.

Nang magsama kami ay nabunyag sa akin ang katotohanan. Hindi pala siya mayaman at batugan pala siya. Hanggang ngayon ay walang trabaho at nakatira lang kami sa isang maliit at mabahong kuwarto na inuupahan namin ng P1,000. Ako naman ay napilitang magtinda ng pagkain sa harap ng aming tinitirhan.

Kung minsan ay naiisip kong hiwalayan na siya. Tapos naman ako ng 3rd year college at siguro ay may tatanggap sa akin sa trabaho. Pero pangit yata kung ako lang ang maghahanapbuhay habang ang asawa ko’y walang ginawa kundi matulog at kumain.

Ano ang gagawin ko?

Donna

Dear Donna,

Hayan. Nagpabola ka kasi. Kung kaya mo siyang hiwalayan, iyan ang gawin mo. Balikan mo ang iyong mga magulang at humingi ng tawad sa kalokohang ginawa mo.

Kung sinabi nilang tatanggapin ka nilang muli kung hihiwalayan mo ang lalaking iyan, gawin mo ito.

Tutal hindi kayo kasal bagamat nagkaanak kayo. Palagay ko naman ay tutulungan ka ng mga kaanak mo na bumangon sa iyong pagkakadapa.

Sana’y maging aral sa ibang kababaihan ang naging karanasan mo. Sa pag-ibig hindi puro puso ang dapat umiral kundi dapat gamitin ang utak.

Ang hirap kasi, maraming kabataan ang nahihikayat dahil sa kagandahan o kaguwapuhan. Higit na mahalagang katangian ng tao ay ang ugali.

Dr. Love

AKO

ANO

BALIKAN

DAHIL

DEAR DONNA

DR. LOVE

HANGGANG

HAYAN

HIGIT

SIR. I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with