^

Dr. Love

Huwag matakot umibig muli

-

Dear Dr. Love,

Kumusta ka na? Hangad ko na puro pagpapala ng Diyos ang tinatanggap mo sa araw-araw at malayo ka sa kapahamakan at karamdaman.

Magmula nang mabasa ko ang iyong kolum tatlong taon na ang nakararaan, lagi na akong bumibili ng PSNGAYON.

Ako nga pala si Cris, 30-anyos at isang barbero. Nagkahiwalay kami ng aking live-in partner dahil sumama siya sa ibang lalaki. Pero in fairness, nakipag-break muna siya sa akin bago siya sumama sa bago niyang boyfriend at hindi niya ako trinaydor.

Wala akong magawa nang sabihin niya na may iba na siyang mahal. Pinabayaan ko na lang siya dahil kung hindi, hindi rin magiging maganda ang pagsasama namin. Baka traydorin pa niya ako kung hindi ko siya palalayain.

Mag-iisang taon na ang nakararaan pero para pa rin akong may takot manligaw muli kahit may nagugustuhan ako. Pagpayuhan mo ako Dr. Love.

Cris

 

Dear Cris,

Hindi tayo dapat matakot umibig muli. Kung may nagugustuhan kang ibang babae, bigyan mo ng kalayaan ang iyong puso.

Pero kilatisin mo munang mabuti ang babaeng iyong balak kasamahin dahil talagang masakit mabigo lalo pa’t sa ikalawang pagkakataon.

Maraming matinong babae riyan. Basta’t binibig­yan mo sila ng katapatan, susuklian ka rin ng katapatan.

Dr. Love

DEAR CRIS

DIYOS

DR. LOVE

HANGAD

KUMUSTA

MAGMULA

MARAMING

NAGKAHIWALAY

PAGPAYUHAN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with