Dapat bang mag-asawang muli?
Dear Dr. Love,
Since I was in the elementary, paborito nang basahin sa aming tahanan ang PS NGAYON. Ngayon ay may asawa na ako at dalawang anak ay PS NGAYON pa rin ang aming pahayagan dahil malinis at hindi malaswa.
Tawagin mo na lang akong Rita, 27-anyos at nagtatrabaho sa pabrika ng biskwit dito sa Valenzuela City.
Hindi mo naitatanong, isa akong biyuda. Namatay ang mister ko dalawang taon na ang nakalilipas dahil naaksidente sa motorsiklong minamaneho niya.
Mula noon ay pinalaki kong mag-isa ang aking dalawang anak. Mahirap dahil madalas kaming kinakapos. Mabuti at tumutulong sa akin ang aking ama na may maliit na negosyo.
Pero nahihiya rin ako sa aking mga magulang sa pagtulong nila sa akin. Mayroon akong manliligaw ngayon. Sabi niya ay handa niya akong pakasalan at handang makatuwang ko siya sa pagpapalaki ng aming mga anak. Isa rin siyang biyudo pero walang anak. Ang negosyo niya ay buy and sell.
Iniisip ko pa ngayon kung sasagutin ko siya o hindi. Kung sakali, malaking tulong siya sa akin. Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.
Rita
Dear Rita,
Kung mahal mo ang iyong manliligaw ay walang masamang sagutin mo siya at tanggapin ang alok na pagpapakasal.
Ngunit kung ang iniisip mo lang ay may makatulong ka sa pagkalinga sa iyong mga aanak, hindi tamang motibo iyan.
Kaya timbangin mo ang iyong damdamin. Kung may pag-ibig, go for it. Kung wala, forget it at baka magsisi ka lang pagdating ng araw.
Dr. Love
- Latest
- Trending