^

Dr. Love

Single Mama

-

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, bayaan mong bumati muna ako sa iyo ng isang mapayapang araw. Datnan ka sana ng sulat kong ito na lipos ng pagpapala ng Panginoong Diyos.

Tawagin mo na lang akong Jocelyn, 28-anyos at isang tindera sa palengke. Isa rin akong single parent na may isang anak na lalaki. Tatlong taong-gulang na siya.

Isang taon na ang nakararaan, iniwanan ako ng aking live-in partner nang siya ay mag-abroad sa Dubai para doon magtrabaho. Naba­litaan ko na lang na mayroon siyang ibang ba­baeng pina­dadalhan ng kanyang suweldo. Kay sakit ng naram­daman ko nang malaman ko ito. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko.

Gusto ko nang makalaya sa kanya dahil na-realize ko na wala nang mangyayari kahit mag­habol pa ako sa kanya. Sinulatan ko siya sa e-mail at sinabing pormal na akong nakikipagkalas sa kanya,

Mayroon kasing nanliligaw sa akin ngayon at sinagot ko na siya. Nangako siyang pakaka­salan ako at aariing anak ang aking anak.

Sinubukan kong sulatan ang dati kong kina­ka­­sama sa e-mail para maging pormal ang aming paghihiwalay pero ayaw sumagot.

Natatakot kasi ako na baka kapag nag-asawa ako ay kunin niya ang aking anak.  

Ano ang gagawin ko?

Jocelyn

Dear Jocelyn,

Hindi ka naman kasal sa una mong kinasama kaya wala siyang karapatang maghabol pa. Sa ilalim ng Family Code, ang supling ng nagsama nang hindi kasal ay babae ang may karapatan.

Kung talagang pakakasalan ka ng bago mong boyfriend at ituturing niyang parang sa kanya ang anak mo, magandang panukala iyan.

Ituloy ninyo ang inyong balak na magpakasal ng iyong boyfriend. Afterall, nagawa mo na ang bahagi mo. Sumulat ka sa dati mong kinaka­sama at ini-ignore ka niya.

Dr. Love

AFTERALL

AKO

ANO

DATNAN

DEAR JOCELYN

DR. LOVE

FAMILY CODE

JOCELYN

PANGINOONG DIYOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with