^

Dr. Love

Breast cancer?

-

Dear Dr. Love,

Sana’y matulungan mo ako sa problema ko. Tawagin mo na lang akong Nida, 30-anyos.

Ilang araw na akong balisa at di-mapalagay dahil sa problema ko.

Napakabigat ng problema ko at sa tingin ko’y hindi ko makakayanan. Masaya ang aking pamilya. Mabait ang asawa ko at maligaya kami sa piling ng aming tatlong anak.

Pero halos isang buwan na akong nababalisa. Ang dahilan, nang magpa-check up ako sa aking OB-Gyne, may nakapa siyang bukol sa aking suso.

Sabi niya sa akin, duda siya sa bukol at kailangang masuring maigi para matiyak kung ano ito. Pero ang hinala niya ay baka mauwi sa breast cancer ito kung hindi maaagapan.

Hindi ko masabi-sabi ito sa mister ko. Ayaw kong mag-alala siya. Pero napansin niyang lagi akong malungkot at kung tatanungin niya ako’y nagsisinungaling ako sa kanya.

Ano ang gagawin ko?

Nida

 

Dear Nida,

Ang gawin mo ay ituloy mo ang pagpapa-check-up para masiguro. At hindi mo dapat ipaglihim sa iyong mister ano man ang iyong kalagayan. Katungkulan ninyong magdamayan sa isa’t isa.

Isa pa, suspetsa lang naman ang sa doktor mo at wala pang katiyakan kung cancer nga ang sakit mo.

Mabuti nga kung maagapan ang sakit mo dahil marami namang cancer ang gumagaling basta’t maagang matutukoy upang malapatan agad ng karampatang lunas.

Kung magwawalang-bahala ka lang, baka lalong mauwi sa mas mabigat na problema ang kondisyon mo. Hindi nawawala ang problema sa pagwawalang-bahala, bagkus lalo pang lumulubha. Madalas, ang unang pumapatay sa tao ay hindi ang kanyang sakit kundi ang kanyang takot. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Bumalik ka na agad sa iyong doktor para magamot ano man iyang sakit sa suso mo.

Dr. Love

ANO

DEAR NIDA

DR. LOVE

NIDA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with