^

Dr. Love

Chinese culture

-

Dear Dr. Love,

Just call me Carlo, 21 years-old. Mayroon akong girlfriend na pure Chinese pero naturalized Filipino ang mga magulang. Malaki ang negosyo nilang restaurant.

Kung tutuusin, mayaman din naman ang pamilya ko dahil businessman ang father ko. Pero ganyan pala sa kultura ng mga Intsik. Kailangan Chinese din ang mapapangasawa.

Kaya nang malaman ng kanyang mga parents ang aming relasyon, kinagalitan siya at pinagbawalang makipagkita sa akin.

Pero tuloy pa rin ang aming secret rendezvous kaya ipinatawag ako ng mga magulang niya. Pinagsabihan ako na sa kanilang kultura, hindi puwedeng mag-asawa ng hindi Chinese ang kanilang anak. Kahit sinabi ko na well-to-do naman ang pamilya ko, ayaw pa rin nila.

Isa pa, sinabi nila na nakatakda nang ikasal ang kanilang anak sa isa pa ring Chinese businessman. Umiiyak ang girlfriend ko nang maghiwalay kami.

Palihim pa ring nakakapag-text sa akin ang girlfriend ko kahit hindi kami nagkikita. Mabuti na lang at hindi kinuha ang kanyang cellphone.

Nagkakasya na lang kami sa palitan ng text messages. Kapag pumapasok siya sa eskuwela ay hatid-sundo at wala na kaming chance na magkita.

Dapat pa ba naming ituloy ang aming relasyon?

Carlo

 

Dear Carlo,

Kung handa ninyong ipaglaban ang inyong relasyon, go ahead basta’t hindi manganganib ang inyong kaligtasan. Siguro, puwedeng gumawa ng last ditch effort ang siyota mo. Kausapin pa niya ang kanyang mga magulang at kumbinsihin sa inyong pag-iibigan.

Sa pagkaalam ko, ganyan talaga ang kulturang Chinese pero marami rin namang hindi na sumusunod sa ganyang kalakaran. Kaya nga mayroon nang mga mestisong Filipino-Chinese. However, marami pa rin yung mga hindi sinisira ang kultura at malas mo lang, ganyan ang mga magulang ng girlfriend mo.

Mukhang  susuot ka sa butas ng karayom dahil gaya na nga ng sinabi mo, tight-guarding ang ginagawa sa siyota mo. Hatid-sundo.

Well, I just wish you all the best at sana’y magtagumpay ang pag-iibigan ninyo ng iyong kasintahan sa dakong huli.

God bless you.

Dr. Love

DEAR CARLO

DR. LOVE

KAILANGAN CHINESE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with